Ika-2 bugso ng children vaccination vs COVID-19 simula na sa Metro Manila | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ika-2 bugso ng children vaccination vs COVID-19 simula na sa Metro Manila

Ika-2 bugso ng children vaccination vs COVID-19 simula na sa Metro Manila

ABS-CBN News

Clipboard

Pag-aarangkada ng pagbabakuna ng mga menor de-edad na may health risks sa Marikina Sports Center. Bianca Dava, ABS-CBN News
Pag-aarangkada ng pagbabakuna ng mga menor de-edad na may health risks sa Marikina Sports Center. Bianca Dava, ABS-CBN News

MAYNILA - Umarangkada na ngayong Biyernes ang ika-2 bugso ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang 12 hanggang 17 anyos na may health risks.

Kung sa unang phase, sa 8 pilot hospitals lang ginawa ang pagbabakuna, sa ika-2 bugso ay gagawin nito sa mga piling ospital at mga pasilidad ng mga lokal na pamahalaan.

Ang Marikina, sa Marikina Sports Center ginawa ang pagbabakuna ng mga bata.

Paliwanag ng LGU na mas malaki ang espasyo sa pasilidad kung ikukumpara sa mga ospital sa siyudad kaya nagpasya ang LGU na dito muna gawin ang pagbabakuna sa mga bata.

ADVERTISEMENT

May medical room dito na pagdadalhan ng mga makakaranas ng side effects. Malapit din ito sa Amang Rodriguez Medical Center na puwedeng pagdalhan ng mga may emergency.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon kay Marikina Mayor Marcy Teodoro, target nilang magpabakuna ng 326 bata ngayong Biyernes, at limitado lang ito sa mga residente.

Pinapapirma rin ng consent form ang mga magulang at isinasailalim sa orientation, kasama ang bata. Wala ring pilitan kaya't pinapayagang umuwi ang mga biglaang aatras.

Ayon kay Teodoro, kaya nilang bakunahan ang higit 1,000 kada araw at sa oras na nasa full implementation na ang child vaccination program ay gagawin nilang eksklusibo sa pediatric vaccination ang pasilidad.

Umarangkada na rin ang phase 2 ng COVID-19 child vaccination sa Maynila.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, nasa 100,000 ang mga batang 12-17 ng Maynila.

Aniya, paghahanda na rin ito para sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Ayon sa DOH nitong Miyerkoles, nasa 3,000 batang may health risks na ang nababakunahan kontra COVID-19.

-- May mga ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.