Bahagi ng Tagaytay bypass road binuksan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahagi ng Tagaytay bypass road binuksan

Bahagi ng Tagaytay bypass road binuksan

Michael Delizo,

ABS-CBN News

Clipboard

Binuksan nitong Oktubre 21, 2020 ang bahagi ng Tagaytay bypass road na inaasahang makapagpapabilis ng biyahe paakyat ng Tagaytay City. Michael Delizo, ABS-CBN News

Binuksan sa mga motorista ngayong Miyerkoles ang bahagi ng Tagaytay bypass road na nakikitang makapagpapabilis ng biyahe paakyat sa Tagaytay City, na isang pangunahing tourist destination.

Nagsagawa ng inauguration ang Department of Public Works and Highways sa 4 na lane ng Maitim at Kaybagal section ng Tagaytay bypass road, na may kasamang bike lanes na protektado ng mga barrier.

Nasa 1.54 kilometro ang nagbukas na initial segment pero 8.59 kilometro umano ang kabuuang haba ng proyektong dadaan sa Luksuhin, Sikat, Zambal, Guinhawa, Patutong Malaki, Balagbag, Salaban, Kaybagal, at Maitim road sections.

Sa oras na makumpleto, inaasahang mababawasan ng 20 minuto ang travel time sa pagitan ng Alfonso, Cavite at Tagaytay.

ADVERTISEMENT

Nakapaglabas ang DPWH ng P466.24 milyon para sa proyekto.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Humihingi pa ang DPWH ng dagdag na P1.08 bilyon para pondohan ang road opening, concreting at road right-of-way acquisition sa mga natitirang section.

"Ang kagandahan, ito, isa itong halimbawa ng mga bago naming design na mayroon nang built-in bike lane. So makikita niyo, naka-built-in na 'yong bike lane sa kalsada, malapad siya," ani Public Works Secretary Mark Villar.

Target ng DPWH na makumpleto ang proyekto bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong nakaraang buwan, muling nagbukas sa mga turista ang Tagaytay City matapos isara noong mga nagdaang buwan dahil sa coronavirus disease pandemic.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.