Mga Pilipino sa New Zealand, hinihikayat mag-apply sa once in a lifetime one-off residency visa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga Pilipino sa New Zealand, hinihikayat mag-apply sa once in a lifetime one-off residency visa

Annalyn Mabini | TFC News New Zealand
Published Oct 20, 2021 07:27 PM PHT

NEW ZEALAND – Hinihikayat ng mga kababayan sa New Zealand ang mga kapwa Pilipino na huwag palampasin ang once in a lifetime offer ng gobyerno para sa One-Off Residence Visa na magiging daan nila para sa Permanent Residency o PR.

“Dahil ito na ang kanilang pagkakataon para maPR sila, dahil sa pabago-bagong rules ng Immigration at napakaraming requirements, na kailangan, dapat nilang samantalahin ang pagkakataon na ito, dahil isang beses lang ito at hindi na mauulit, at ito na rin ang pagkakataon para mabago ang kanilang Buhay kapag nakuha nila ang kanilang Residency,” sabi ni Dennis Magcalas, 15 years na naninirahan sa Hillsborough Auckland at isa ng NZ Citizen.

“Dahil hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng minsang oportunidad na katulad nito! Laging tatandaan, when a great opportunity knocks once, GRAB IT…a security on their status here, and a better future for their family. I must say, not all first world countries give this chance, the benefits of living here means mas secured kayo and mas may peace of mind in regards to what the future can bring,” pahayag naman ni Josephine Lucas-De Guzman, isang registered nurse sa Auckland NZ. Mayroon na rin siyang PR at naghihintay ng approval ng kanyang application para sa NZ Citizenship.

“Pag resident, di ka na kakabahan sa buhay mo dito. Mawawala na ang stress mo sa pag-iisip kung ano’ng mangyayari sa yo rito. It means pwede ka na magtrabaho ng kahit ano kasi di mo naiisipin ang work visa. Yan ang advantage at makakaboto ka na rin dito pag residente ka na,” pagbabahagi naman ni Allan Chu Vivero na isa na ring permanent resident sa NZ.

Kinapanayam ng TFC News si Atty. Augencio Bagsic, isang Pilipino at 15 taon ng naninirahan sa Auckland, NZ. Isa siyang Immigration Law specialist at Director/Barrister at Solicitor ng kanyang sariling law firm sa NZ. Ani Atty. Bagsic, minsan lamang ang oportunidad na ito na ibinibigay ng NZ government sa mga migrant worker sa bansa kabilang na ang mga Pilipino.

“Take advantage of this once in a lifetime opportunity, hindi na lang para sa inyo, kung hindi para sa inyong mga pamilya. Sa aking palagay, hindi na mauulit itong generous offer ng New Zealand government…Ito ay one-off kaya paghandaan ang application, pag-isipan at pagtuunan ng panahon. Hindi masama na gawin ito ng sarili or DIY na tinatawag kung sapat ang kaalaman, sapat ang preparasyon, at hindi kumplikado ang sitwasyon sa trabaho at pamilya. Pero, hindi lahat ng migrant worker ay pare-parehas ang pang-unawa sa mga batas, hindi lahat ng migrant worker ay may panahon, at hindi lahat ng migrant worker ay pare-parehas ang sitwasyon sa trabaho at pamilya. You only have one shot so make it count,” pagbabahagi ni Atty. Bagsic.

Ipinaliwanag ni Atty. Bagsic kung anong uri ng migrant workers ang mga maaaring mag-apply sa programa:

“Ito ‘yung pathway para sa mga migrant dito sa New Zealand na maging resident visa holder dahil sila ay SETTLED – nanirahan o nagtrabaho sa New Zealand ng at least 3 years, dahil sila ay SKILLED – ang sweldo nila ay nasa New Zealand median wage na $27 per hour or above, o marahil ang trabaho nila ay SCARCE – mga shortages sa New Zealand at kailangan sila ng New Zealand. ‘One off, kasi ngayon lang ito or hanggang 31-July-2022 lang ang last day to apply. This might not happen again.
Tatlong requirements lang ang hinihingi ng 2021 One-Off Resident Visa. Settled, Skilled o Scarce. Isa lamang meron ka sa mga ito, pasok ka na. Walang age requirement. Sa ibang residence pathway kasi, merong age limit na 55 years old. Wala ring English test requirement. Ibig sabihin, hindi kaiangang kumuha ng IELTS, Pearson Test of English at iba pang mga English test. Sa aking pananaw, ito na ang pinakamadaling pathway ngayon para maging Resident Visa holder sa New Zealand.”
Sa pagtataya ni Atty. Bagsic, aabutin ng katumbas ng halos 95,000 pesos ang pagproseso ng Immigration New Zealand sa bawat aplikasyon para sa One-Off Resident Visa at depende sa kategorya ng aplikante:

“Sa ngayon, wala pang published fees ang Immigration sa One-Off Resident Visa. By the end of October daw nila i-rerelease. Sa aking palagay maglalaro ito sa pagitan ng $1,800 (fee sa mga Work to Residence Visa pathway) at $2,710 (fee sa mga Skilled Migrant Category). Ang fee na ito, applicable regardless kung single applicant ka, or a family of 5.”
Mensahe pa ni Atty. Bagsic sa mga kababayan sa NZ na ipagpatuloy ang pagsisikap sa trabaho para sa kapamilya at asikasuhin ang pagsusumite ng aplikasyon para sa One-Off Resident Visa na inanusiyo ng NZ government noon lamang nakaraang buwan ng Septyembre.

“Malaking kontribusyon ang binibigay ng mga Filipino at lahat ng mga migrant worker community dito sa New Zealand lalo na sa panahon ng pandemya. Ako ay natutuwa at marami tayong mga kababayan na makakamit ang kanilang mga hangarin hindi lamang sa para sa kanilang sarili, kundi para na rin sa kani-kanilang mga pamilya. Nawa’s patuloy po kayong magsikap, patuloy na mahalin ang inyong mga trabaho at patuloy na tulungan ang kapwa Filipino dito sa New Zealand at mga Filipino na nais makipagsapalaran sa New Zealand. Tulong-tulong po nating paangatin ang magandang imahe at estado ng mga Filipino dito sa New Zealand. Mabuhay po tayong lahat,” sabi ni Atty. Bagsic.

Sa iba pang detalye patungkol sa One-Off Residency Visa, bisitahin ang official website ng New Zealand Immigration.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.