Higit 700 pamilya apektado sa baha sa Cagayan de Oro | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit 700 pamilya apektado sa baha sa Cagayan de Oro

ABS-CBN News
Published Oct 18, 2022 07:58 AM PHT

Nakuhanan ng video ng residenteng si Perry Benedictos ang pagragasa ng baha sa Barangay Bugo, Cagayan de Oro City, Linggo ng hapon.

Kita sa video ang malakas na agos ng baha na tumangay pa ng isang motorsiklo.

Kuwento ni Benedictos, unang insidente ito ng malakas na baha sa kanilang komunidad magmula nang tumira siya rito taong 1994.

Halos umabot na rin ang baha sa bubungan ng mga bahay sa nasabing barangay, base sa video na kuha ng residenteng si Lecar Mae Lazatin.
Kabilang si Lazatin sa ilang mga residenteng umakyat na sa bubong dahil sa taas ng tubig-baha.

Batay sa datos ng Cagayan de Oro City social welfare and development office, mahigit 700 na pamilya ang apektado ng baha.

Karamihan sa kanila ay lumikas noong Linggo sa mga paaralan at barangay gym.

Namahagi na ng pagkain mula sa community kitchen ang CSWD bilang paunang tulong sa mga apektado ng baha.

Nakaranas ng pag-ulan ang lungsod dahil sa localized thunderstorms.—Ulat ni Hernel Tocmo