Ilang Pinoy nakararanas ng 'Long COVID' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang Pinoy nakararanas ng 'Long COVID'

Ilang Pinoy nakararanas ng 'Long COVID'

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 18, 2020 08:03 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19) noong Hulyo si "Andrea."

Nang mag-repeat test siya noong Agosto at hanggang ngayong Oktubre, nakararanas pa rin si "Andrea" ng mga sintomas ng sakit.

"Nag-iba-iba 'yong naging symptoms ko. 'Yong fever and sore throat, na-resolve siya in a week. Pero after noon, napalitan ng chest tightness," ani "Andrea."

"Ang naging lingering symptom ko naman ngayon is 'yong clogged nose," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Noong Agosto naman, nakitang may COVID-19 ang 23 anyos na si "Nica."

Nag-negatibo siya sa sakit matapos ang 2 linggo. Pero doon umano nagsimula ang mga hindi maipaliwanag na sintomas.

"I felt worse than when I had COVID. My body hurts so much, my joints were so painful, and my body was hurting, I could not get out of bed," ani "Nica."

Sinabihan umano si "Nica" ng isang doktor na nakararanas siya ng "Long COVID."

Ayon sa infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante, pinag-aaralan na sa San Lazaro Hospital ang Long COVID.

Nasa 10 hanggang 15 porsiyento, o isa sa bawat 10 nagkaroon ng COVID-19 ang nakararanas ng Long COVID, base sa mga nagpa-follow up check-up sa ospital.

Ilan sa mga sitnomas nito ang hirap sa pagtulog, pagkabalisa, humihinang memorya o tila "brain fog," matinding pagod, kawalan ng panlasa at pang-amoy, at pagbigat ng dibdib.

"This occurs more for those patients 50 years and above, who have comorbidities and who have had long course of COVID infection in the hospital," ani Solante.

Wala namang nakitang kaso ng Long COVID sa mga bata, sabi ng pediatric infectious disease specialist na si Benjamin Co.

Kahalintulad aniya ang Long COVID sa post-viral illness, at mahalagang masuri ang mga nakararanas nito.

"Make sure that there is no other organ that is involved, especially with the symptoms that you see for Long COVID," ani Co.

Ayon sa World Health Organization, nagpapatuloy ang pag-aaral sa iba't ibang klase ng paggaling mula sa COVID-19.

Sa tala noong Sabado, umabot na sa 354,338 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.