HALALAN 2019: Mga naghain ng kandidatura nitong Miyerkoles, Oktubre 17

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2018 01:08 PM | Updated as of Oct 17 2018 09:26 PM

Watch more in iWantTFC

Dinagsa ng mga nais tumakbo sa halalan sa susunod na taon ang huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections nitong Miyerkoles. 

Bukod sa mga gustong tumakbo bilang mga opisyal ng mga lokalidad at lalawigan, tinututukan din ang mga tatakbo para sa Kamara at sa 12 bukas na puwesto sa Senado.

Kabilang sa mga nagsumite ng kanilang COC nitong Martes ang mga sumusunod:

SENADO

—Ang asawa ni Revilla na si Lani Mercado ang naghain ng kandidatura para sa dating senador, na ngayo'y nakakulong pa rin sa kasong plunder kaugnay ng umano'y papel nito sa pork barrel scam.

Unang nakipagsapalaran ang dating aktor sa politika nang manalo bilang bise gobernador ng Cavite noong 1995. Mula 2004 hanggang 2010 naman ay nagsilbi sa Senado si Revilla kung saan naging chairman siya ng Public Works at Public Services committee. 

Noong 2014 ay inisyuhan ng arrest warrant si Revilla ng Sandiganbayan kaugnay ng pork barrel scam habang inaantay ang desisyon ng korte. 

—Matapos ang 23 taon sa larangan ng pamamahayag, nais sumabak ng broadcaster sa larangan ng politika. Ayon sa kaniya, bagama’t nagsisilbi ring “public service” ang pagiging reporter, tingin niya ay may limitasyon pa rin ito kung ikokompara sa pagsilbi sa gobyerno. 

—Itutulak ni Angara ang kaniyang reelectionist bid sa pagkasenador. Matapos magsilbi nang tatlong termino bilang kinatawan ng Aurora Province, naihalal si Angara sa Senado noong 2013.

Si Angara ang namumuno sa Ways and Means, Local Government, at Games, Amusement and Sports Committee ng Senado. Kung palaring maihalal para sa kaniyang ikalawang termino, nais niyang isulong ang mga programang pangkalusugan, pagbaba ng income tax, at iba pa. 

  • Florin Hilbay

—Naghain ang dating Solicitor General at propesor na si Hilbay ng kaniyang kandidatura sa pagkasenador. 

Si Hilbay ang nagsilbing Solicitor General noong 2014 sa ilalim ni dating pangulong Benigno Aquino III, at nanguna sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China noon sa The Hague kaugnay ng West Philippine Sea. 

—Matapos ang kaniyang anunsiyo na tatakbo siya bilang party-list representative ng Luntiang Pilipinas, nagpasiya ang dating presidential spokesperson na tumakbo sa pagkasenador sa ilalim ng People’s Reform Party (PRP) ng namayapang senador Miriam Defensor Santiago.

Matatandaang nag-alangan si Roque sa kaniyang pagtakbo matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang tsansang manalo. 

  • Romulo Macalintal

—Mas kilala si Macalintal bilang election lawyer at kumakatawang abogado ni bise presidente Leni Robredo sa electoral protest laban kay Bongbong Marcos. 

Nais niyang tutukan ang mga karapatan ng mga senior citizen, kung palaring makapasok sa Magic 12. 

— Matapos mabigo sa kaniyang kampanya noong 2016, muling tatakbo ang dating Department of Interior and Local Government secretary sa pagkasenador. 

Nagsilbi si Alunan bilang kalihim nina dating pangulong Cory Aquino at Fidel Ramos sa Tourism at Local Government, ayon sa pagbanggit. 

—Bagama't naghain ng kaniyang COC sa pagkasenador noong Martes, nag-refile ang dating Senate President na si Juan Ponce Enrile dahil "Businesswoman" ang nakalagay sa COC form na inihain ng kaniyang abogado. 

Watch more in iWantTFC

—Susubukan naman ulit na makapasok sa Magic 12 ni presidential adviser Francis Tolentino, na pang-13 sa 2016 senatorial elections. Dahil sa paghain ng COC, ikinansela ni Tolentino ang kaniyang electoral protest laban kay Senador Leila De Lima.

Nagsilbing chairman si Tolentino ng Metro Manila Development Authority mula 2010 hanggang 2015. Isang taon matapos ang kaniyang pagkatalo sa Senado noong 2016, inalok siya ni Duterte na maging kaniyang presidential adviser. 

Lokal

—Sisikaping makuha ni Abby Binay ang ikalawang termino bilang alkalde ng Makati kung saan makakalaban niya ang kaniyang kapatid na si Junjun.

Noong nakaraang linggo lang, kumalas ang ilang konsehal ni Binay at kumampi sa kaniyang kapatid dahil kulang daw sa "aruga" ang kasalukuyang liderato. 

Watch more in iWantTFC
  • Alfredo Lim (Manila mayor)

— Matapos ang kaniyang pagkatalo ng 2,000 boto laban sa karibal na si Joseph Estrada, sisikapin ng 88 anyos na si Alfredo Lim na maibalik sa kaniyang poder ang lokal na pamahalaan ng Maynila. 

Hindi nagpaunlak si Lim ng pahayag pero sabi ng kaniyang anak na si Christy, hindi hadlang ang edad ng kaniyang ama para magsilbing alkalde.

—Tatakbo ang dating Pangulong Joseph Estrada para sa kaniyang ikatlong termino sa pagkaalkalde ng Maynila. Makakalaban niya ang kapwa dating aktor na si Isko Moreno, na dati niyang kaalyado nang una siyang tumakbo bilang alkalde noong 2013, at si Lim. 

Watch more in iWantTFC

—Tatakbo ang bunsong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Elizabeth Zimmerman na si Baste sa pagkabise alkalde ng Davao City. Ito ang unang pagkakataon na papasok si Baste sa politika, matapos ang ilang buwang pagmumuni-muni sa kaniyang pagtakbo. 

Makakatambal ni Baste ang kapatid na si Sara Duterte-Carpio, na tatakbo muli para sa pagkaalkalde sa lungsod. Tatakbo naman sa Kongreso ang isa pa nilang kapatid na si Paolo.

Watch more in iWantTFC
  • Vico Sotto (Pasig City mayor) 

—Tatakbo para sa pagkaalkalde ang konsehal na si Vico Sotto bilang alkalde ng Pasig City. Makakalaban ng 29 anyos na anak ni Vic Sotto si Bobby Eusebio, na tatakbo sa reelection. 

  • Jhong Hilario (Makati councilor)

— Tatakbo ang "It's Showtime" host na si Jhong Hilario sa pagkakonsehal sa ilalim ng partido ni Abby Binay para sa kaniyang ikalawang termino. Bago nito, nagsilbing konsehal si Hilario ng lungsod mula 2016. 

Kamara

  • Richard Yap (Cebu 1st District representative) 

—Sa unang pagkakataon ay makikipagsapalaran ang aktor na si Richard Yap sa politika. Sa dating panayam, sinabi ni Yap na dapat pumasok na sa politika ang mga marunong magpatakbo ng negosyo at marunong mag-udyok ng pagbabago. 

  • Pantaleon Alvarez (Davao Del Norte 1st District, representative)

— Ilang buwan matapos siyang patalsikin bilang House Speaker, muling tatakbo si ex-House Speaker Alvarez bilang kinatawan ng Davao del Norte. 

Bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo, pinatalsik si Alvarez sa mistulang "kudeta" at ipinalit kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang pinuno ng Kamara. 

Si Alvarez din ang nag-utos na gawing zero ang budget ng Commission on Human Rights sa kasagsagan ng pagdinig sa magiging national budget noong nakaraang taon, pero hindi ito tinuloy. 

  • Alan Peter Cayetano (Taguig-Pateros 1st District representative) 

Matapos magsilbi bilang Foreign Affairs secretary, tatakbo sa Kongreso ang dating senador bilang kinatawan ng Taguig-Pateros. 

Kilala rin si Cayetano bilang running mate ni Pangulong Duterte noong 2016 vice presidential elections, kung saan nasa ikatlong puwesto siya bago sina Bongbong Marcos at Leni Robredo. Kapag nanalo, umaasa siyang magiging House Speaker siya ng Kongreso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.