Pagbabakuna ng mga bata vs. COVID-19 umarangkada na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagbabakuna ng mga bata vs. COVID-19 umarangkada na

ABS-CBN News
Published Oct 15, 2021 02:41 PM PHT
|
Updated Oct 15, 2021 08:09 PM PHT

MAYNILA— Nagsimula na ang rollout ng COVID-19 vaccines para sa mga batang 12 hanggang 17 anyos na may comorbidity sa mga piling ospital sa Metro Manila.

Sa Pasig City General Hospital, higit 70 batang edad 12 hanggang 17 anyos na may comorbidity ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa Pasig City General Hospital.

Kasama ang nasabing ospital sa 8 piling ospital sa Kamaynilaan na nagbukas ng COVID-19 vaccination para sa mga menor de edad.

COVID vaccination of minors 12 to 17 years old with comorbidity begins at Pasig City General Hospital
📸 Pasig PIO pic.twitter.com/6Zzbj3S5dI
— Vivienne Gulla (@VivienneGulla) October 15, 2021

May ilan na na sabik na mabakunahan, bagama't kabado dahil anila ay mas vulnerable ang mga may comorbidity.

ADVERTISEMENT
"Siyempre mahina ang lungs nila, baka makuha nila 'yung sakit na 'yun. Medyo kinakabahan kasi sila 'yung first batch. Kaya lang 'yung doktor naman na nag-check up sa 'min, nagsabi naman na mas safe naman daw. Kasi sa ibang bansa, ginawa na rin naman daw 'yun sa mga bata," ani Jacquelyn Dannug, ina ng isa sa mga nagpabakuna.

Mayroon namang ilan na matagal nang naghihintay ng COVID-19 vaccination ng mga bata at natutuwang sa wakas ay mababakunahan ang kanilang anak.

"Wala kaming hesitation para sa vaccine. Gusto talaga namin. Natakot ako last month para sa kanila lalo, dahil nag-positive kami lahat. Ako 'yung carrier, frontliner ako. Susubo lang siya, tatlong subo, hindi na niya makain, hinahapo na siya. Siya naman parang may electric fan 'yung dibdib. Ang tataas ng fever, nagka-kuwarenta," ani Jacky Calamaan, ina ng isa pang nagpabakuna.

Bakuna ng Pfizer ang gamit dahil ito pa lang at Moderna ang may emergency use authorization para maiturok sa mga batang edad 12 hanggang 17 anyos.

Ayon kay acting hospital administrator Dr. Arlene Samonte, wala pang naitatalang side effects sa mga binakunahan. Pero tiniyak niyang handang rumesponde ang ospital sakaling may makaranas ng allergy o malalang side effects.

Nasa 50 hanggang 100 batang may comorbidity ang target bakunahan sa nasabing ospital.

Nagpaalala ang ospital na mahalagang may bitbit na medical certificate ang magpapabakuna na patunay ng comorbidity at dapat ding magdala ng ID ang magpapabakuna at kasamang magulang o guardian, pati na patunay ng relasyon ng dalawa.

Sa mga batang 12 hanggang 17 anyos na gustong magpabakuna, puwedeng makipag-ugnayan sa kanilang pediatrician o sa ospital ng anak para mairehistro at makakuha ng schedule.

Naniniwala naman si Dr. Cynthia Cuayo-Juico ng Philippine Pediatric Society na mas mababa ang hesitancy o pag-aalangan sa pagbabakuna ng kabataan.

Isa sa mga dahilan aniya nito ay maaaring nakita ng mga magulang at mga bata ang matinding epekto ng COVID-19 at kung paano nakatulong ang vaccination sa pagbaba ng kaso.

"Gaya ngayon di ba ang tagal nakakulong ang bata, nagkaroon kami ng pagtawag sa aming pasyente na kulang ang bakuna niyo, anti-pneumonia, anti-flu, nagpuntahan sila. Nakita na naman natin ang effect, ang daming hindi namamatay dahil sa bakuna, ang dami ngayong nagkakaroon ng COVID na nasa bahay lang o nasa isolation sa barangay, hindi pinapasok sa ospital, I think it's because of the vaccine," ani Cuayo-Juico.

Siyam na pasyente lang muna ang binakunahan sa Philippine General Hospital base sa tally ng ibinigay ng Department of Health. Sabi ni PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, sa susunod na linggo ay maaari nang makapagpabakuna ang ospital ng 60 pre-registered na bata kada araw.

"Malaking bagay po itong puwede nang bakunahan ang ating mga anak na may comorbidities kasi po talagang sila ang tinatamaan ng severe COVID kaya po maganda na protektahan natin sila
at hopefully po 'yung mga magulang din ay magpabakuna na para lahat po ng ating miyembro ng pamilya ay bakunado at protektado," ani Del Rosario.

Sa Makati Medical Center, 130 namang bata ang nabakunahan bago magtanghali.

Umarangkada na rin ang pagbabakuna ng mga pasyenteng menor de edad sa iba pang pilot hospitals.

Sa kabuuan, nasa 1,031 ang nabakunahan kontra COVID-19 na bata hanggang alas-4 ng hapon ngayong Biyernes.

Muli namang umapela si Health Secretary Francisco Duque III sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak lalo't kung may side effect man, mahina o bahagya lang ang nakita sa mga bata.

"Ang akin lang pong panawagan sa inyo, lalu na ang mga magulang, malaki po ang impluwensiya sa desisyong ito. Hikayatin natin ang ating mga anak na magpabakuna, dahil ito po ay dagdag na proteksiyon, lalu na sa mga kabataan na may sakit," ani Duque sa pagpapasinaya ng COVID-19 children vaccination sa National Children's Hospital sa Quezon City.

— May mga ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT