Pababakunahan ang batang anak vs. COVID-19? Narito ang ilang dapat tandaan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pababakunahan ang batang anak vs. COVID-19? Narito ang ilang dapat tandaan

ABS-CBN News
Published Oct 14, 2021 07:41 PM PHT

MAYNILA - Aarangkada na nitong Biyernes ang pagbabakuna kontra COVID-19 ng mga menor de edad.

- Walo ang pilot COVID-19 vaccination sites na gagamitin.
- Philippine Children’s Medical Center
- Fe Del Mundo Medical Center
- National Children's Hospital
- Philippine Heart Center
- Pasig City Children’s Hospital
- Philippine General Hospital
- Makati Medical Center
- St. Luke’s Medical Center

Sa pagbabakuna, gagamitin ang mga bakuna ng Pfizer at Moderna, na mga vaccine brand na may emergency use authorization para magamit sa mga batang edad 12 hanggang 17 anyos.

Isinaalang-alang din ang cold facility storage dito.

"Actually, that’s one consideration also in choosing these hospitals. Kasi kung wala silang capacity, hindi puwede. Pfizer is very sensitive. Tiningnang maigi yan. We have to make sure that all the emergency measures are in place," ani DOH - National Capital Region Director Gloria Balboa.

Nagsagawa na rin ng inspeksiyon ang DOH at nagkaroon na rin ng simulation ang mga ospital gaya ng Philippine Heart Center.

Ayon kay Balboa, handa na ang mga ospital para rito, kailangan lang ng dagdag-oras sa pag-screen at counseling ng mga magulang.

Paalala ng ahensiya sa mga magpapabakuna na magdala ng medical certificate, parent o guardian, at ID ng pasyente at kasama niya.

Oobserbahan muna ng pamahalaan ang magiging pagbabakuna sa mga batang pasyente ng pilot sites sa loob ng isang linggo bago ito buksan sa mga piling ospital sa bawat lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Ang ibang lugar naman, papayagan lang mag-rollout ng COVID-19 vaccines sa mga menor de edad na may comorbidity kapag nabakunahan na ang hindi bababa sa kalahati ng senior citizen population nila.

Tinatayang nasa 1 milyon hanggang 1.2 milyon ang batang 12 hanggang 17 gulang na may comorbidity, ayon sa National Vaccination Operations Center.

-- Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT