'Baka bumalik ang surge': Health workers dismayado sa pagluwag ng quarantine sa NCR | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Baka bumalik ang surge': Health workers dismayado sa pagluwag ng quarantine sa NCR

ABS-CBN News
Published Oct 15, 2021 09:05 AM PHT

MANILA – Dismayado ang mga health workers sa desisyon ng pamahalaan na luwagan ang quarantine classification ng Metro Manila simula ngayong Sabado, Oktubre 16.

Una nang inanunsiyo ng Palasyo na isasailalim sa Alert Level 3 ang Metro Manila hanngang sa katapusan ng buwan, kung saan mas maraming negosyo ang pinapayagang magbukas.

“Nakakadismaya din po ‘no kasi sana, inextend man lang hanggang katapusan yung alert level 4 ng ating quarantine restrictions po ‘no,” ayon kay Alliance of Health Workers president Robert Mendoza.

“Nakakalungkot dahil kahit ganito na, magluluwag na po ano pero yung ating mga hospitals sa kasalukuyan ay puno pa rin,” dagdag pa niya.

“Yung mga wards lang ang mga lumuwag nang konti pero kung titingnan natin sa mga emergency room, andami pa rin nakapila yan for [intensive care unit] accommodation. Ngayon kahit na sa emergency room may mga intubated na pasyente kasi puno pa yung ating ICU,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Mendoza, hirap pa rin ang mga health workers sa pag-asikaso sa mga pasyente.

“Yung ating mga health workers dahil alam natin na marami na nag-resign, nag-early retirement, umalis na pumunta ng-abroad, hindi pa nadagdagan yung ating mga health manpower doon sa loob ng hospital. Talagang malala pa rin yung understaffing at hindi pa tayo bumabalik sa normal na 8 hours lang,” paliwanag niya.

“Ang duty ng ating mga health workers ay umaabot pa rin sa 12 to 16 hours, ‘pag wala ka ka-endorse umaabot ka sa 24 hours.”

Ani Mendoza, umaabot hanggang sa 30 pasyente ang inaasikaso ng ilang mga nurse.

“Sa ngayon po no ang sinasabi ng ating Department of Health ‘pag COVID patient, ang hawak mo is one nurse is to three patients pero hindi pa nangyayari yan. One nurse is to 15 to 30 patients pa rin ang nagyayari ngayon dahil marami pa rin pasyente na hinahawakan lalo na yung mga intubated patients natin sa ICU.”

“Kaya yung ating pangangalaga doon sa ating mga pasyente, yung quality healthcare na binibigay natin, hindi talaga nabibigay nang tama kasi yung ratio ng pasyente sa nurse ay malaki pa rin,” aniya.

Nananawagan ngayon si Mendoza sa pamahalaan na tutukan ang mga problema ng health workers sa mga kalapit na rehiyon ng National Capital Region.

“Ang problema dyan baka bumalik ulit at bumalik ulit tayo sa surge ng mga pasyente. Kaya sana, dahil ating yung mga kalapit na rehiyon, ‘tong mga provinces po ano, yung kagaya ng Oriental Mindoro. Sumisigaw na yung ating mga doctors doon na wala na kaming oxygen supply, kulang na kulang [din] yung sa Zamboanga.”

“Sana pagtuunan din ng pansin kasi ang Pilipinas hindi lang naman NCR,” aniya.

“Buo tayong nasa Pilipinas po ano, pero ang supply talaga ng bakuna dapat i-distribute equally lalong-lalo na doon sa mga areas na hirap na hirap sila sa bakuna na hanggang ngayon, kahit nga first dose yung iba wala pa, hindi pa nag-uumpisa and then eto na naman, magpaplano na ang ating gobyerno na yung mga bata yung bibigyan ng bakuna,” ani Mendoza.

“Sana, bago sana magbigay ng bakuna para sa mga bata, tapusin muna yung ating the whole population na yung mga target natin na groups para doon sa pagbabakuna. Para makamit natin yung herd immunity sa buong Pilipinas,” aniya.

--TeleRadyo, 15 October 2021
Read More:
Robert Mendoza
Alliance of Health Workers
COVID-19
COVID-19 quarantine
Alert Level 3
hospitals
occupancy rate
health workers
ICU
intensive care units
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT