'Wala, zero': Benguet farmers umaaray sa kawalan ng kita dahil sa Maring | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Wala, zero': Benguet farmers umaaray sa kawalan ng kita dahil sa Maring

'Wala, zero': Benguet farmers umaaray sa kawalan ng kita dahil sa Maring

ABS-CBN News

Clipboard

Nasira ang ilang pananim na strawberry at iceberg lettuce sa La Trinidad, Benguet dahil sa pananalasa ng bagyong Maring.
Nasira ang ilang pananim na strawberry at iceberg lettuce sa La Trinidad, Benguet dahil sa pananalasa ng bagyong Maring.

BENGUET - Napapabuntong-hininga ang strawberry farmer na si Luz Tudeyan sa bawat bunot at pagtatapon ng nasayang na tinanim.

Kada bunot kasi ay perang kapital at oras na nasayang na inanod lang ng pananalasa ng bagyong Maring.

"Ang baha dito mataas, 'yung kahoy talagang puno na ang tubig. Walang magawa, magulo," ani Tudeyan.

Lagpas-tao ang baha sa strawberry farm kaya maging ang mga plastik na panangga sana sa masamang panahon, nasira.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Aabot sa P15,000 ito kada piraso kaya sinusubukan pang isalba ng ilan.

Nababad sa tubig-baha ang mga strawberry sa La Trinidad, Benguet.

Ayon sa mga magsasaka, hindi na puwedeng i-harvest sa mga susunod na buwan hanggang Disyembre ang ilan sa pananim kaya ang ginagawa nila, itinatapon na lang ito.

Plano ni Tudeyan na magtanim ulit. Ang problema, wala silang pangkapital.

"Mahirap ang farmers, kahit masakit katawan sige trabaho para maibili ng kanin pero gutom. Ito lang trabaho namin… Sino ba gustong tumulong, tumulong sila kasi wala kami talaga, inuupahan namin dito eh, wala na,"ani Tudeyan.

Maging ang mga iceberg lettuce, napinsala rin.

"'Yung umulan po nu'ng malakas na 'yung ulan tumaas tubig dito, natabunan ng tubig 'yung mga pananim, natabunan ng putik, nasira na po… P50,000 kasi price P100 per kilo," ayon sa iceberg lettuce farmer na si Joel Chinayo.

Nagbabadya ring magmahal ang presyo sa bagsakan ng gulay o sa La Trinidad Trading Post - kung saan galing ang 80 porsiyento ng gulay sa Metro Manila.

"Sa succeeding days, months... tataas, maliliit pa, semilya pa o katatanim pa, inanod na ni Maring kaya expected talaga na ganiyan kagaya ng tanim namin nasira ng Maring. Aanihin namin sana before November [pero] kinuha ng bagyo… 'yung sana ang dapat kikitain namin ng year na ito, wala, zero," ani Esther Ragundin, nagbebenta ng cauliflower.

Humihiling naman ng tulong si La Trinidad Mayor Romeo Salda para sa kanilang mga magsasaka.

"'Yung iba (pananim) ma-retrieve nila. Kaya lang pati 'yung tunnel (plastic) na-wash out. Kaya hope maraming tulong na darating para agad na maka-recovery ng mga farmers. 'Yung financial po sa capital nila, food pack at 'tsaka 'yung plastic 'yun po ang kailangan," ani Salda.

Sa pagtataya ng La Trinidad Agricultural Office, aabot sa 34 ektarya ang pinsala ng bagyong Maring, kasama ang strawberry farm, na isa sa pangunahing kabuhayan ng munisipalidad.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.