Cagayan, nagtala ng halos P35 milyon pinsala sa agrikultura, atbp dahil sa bagyong Maring

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2021 01:03 PM

A young boy is seen crossing the river while holding on to a rope as rescuers evacuate residents from their homes near a swollen river following heavy rains brought about by Tropical Storm Maring in Gonzaga town, Cagayan province, in this handout photo taken on October 11, 2021. Photo courtesy of Gonzaga MDRRMO
A young boy is seen crossing the river while holding on to a rope as rescuers evacuate residents from their homes near a swollen river following heavy rains brought about by Tropical Storm Maring in Gonzaga town, Cagayan province, in this handout photo taken on October 11, 2021. Photo courtesy of Gonzaga MDRRMO

MAYNILA - Halos na 35 milyon na ang iniwang pinsala ng bagyong Maring sa Cagayan, ayon sa isang opisyal nitong Miyerkoles. 

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Office chief, Col. Darwin Sacramed, malaki ang epekto na dulot ng bagyong Maring sa agrikultura, imprastruktura, at kabuhayan.

“Sa ngayon po ang damage estimate namin pagdating sa agrikultura meron na tayong P32.870 million, sa livestock P1.316M, infrastructure, P1.4M,” dagdag nito.

"Nag-compose ako ng team para bumaba sa mga hard hit towns upang i-check kung ano po mga damage sa bagyong Maring," pahayag ni Col. Darwin Sacramed, hepe ng PDRRMO sa lugar.

Inaasahan ni Sacramed na matatapos nila ang damage report sa probinsiya sa loob ng dalawang araw.

Samantala, isa ang kumpirmadong nasawi sa bayan ng Claveria.

“Meron isa pa sa bayan ng Iguig pero kino-confrim pa kung related po ba sa bagyo o hindi,” sabi ni Sacramed.

Sa panayam sa Teleradyo Miyerkoles ng umaga, sinabi ni Sacramed na maayos na ang lagay ng panahon sa kanilang lugar pero may dalawa pang barangay sa bayan ng Lasam—Viga at Cabatacan East—ang kanilang titingnan pa kung binabaha pa.

“Mabilis naman mag subside ang tubig dito hindi namin alam kung binabaha pa itong dalawang barangay dito sa bayan ng Lasam,” sabi niya.

Sa ngayon, nasa 25 munisipalidad pa rin ang wala pang kuryente.

“Yung ibang bayan 50 percent o 30 percent ok ang kuryente. May bayan-bayan pa rin narerestore ang kanilang kuryente,” sabi niya.

Watch more on iWantTFC

- TeleRadyo 13 Oktubre 2021