Photo courtesy of Department of Transportation
Inaasahang darating ang unang set ng mga tren para sa Philippine National Railways (PNR) Clark Phase 1 bago mag-Pasko, ayon sa Department of Transportation.
Ang nasabing train set ay aalis sa Yokohama, Japan ngayong Oktubre matapos sumailalim sa maraming Factory Acceptance Testing (FAT).
Sa pamamagitan ng nabanggit na akreditasyon, masusubukan kung matutugunan ang intended purpose at minimum standards ng ahensya ng mga bagong train set.
Inaasahang makakapagsakay ang railway ng 300,000 na pasahero araw-araw mula Tutuban, Metro Manila hanggang lungsod ng Malolos, Bulacan.
Mula sa higit isang oras na byahe mula Tutuban hanggang Malolos, aabutin na lamang ito ngayong ng 35 minuto. — Ulat ni Gracie Rutao
FROM THE ARCHIVES
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
DOTr, Department of Transportation, Philippine National Railways, PNR, PNR Clark Phase 1, Bulacan, Tagalog news