Villar minura ang DENR dahil sa pagpapatuloy sa Manila Bay reclamation | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Villar minura ang DENR dahil sa pagpapatuloy sa Manila Bay reclamation

Robert Mano,
ABS-CBN News
Published Oct 11, 2022 04:49 PM PHT

MAYNILA — Hindi naitago ni Sen. Cynthia Villar ang pagkainis sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil itinuloy ang reclamation projects sa Manila Bay.

Si Villar ang chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Resources.

Sa pagdinig ng 2023 budget ng DENR nitong Martes, tinanong ni Sen. Nancy Binay ang estado ng Manila Bay dolomite beach at ang reclamation area sa Manila Bay.

Mula kasi anya sa kanyang opisina sa Senado ay makikita na may mga barko na naghuhulog ng buhangin.
Mula kasi anya sa kanyang opisina sa Senado ay makikita na may mga barko na naghuhulog ng buhangin.
ADVERTISEMENT
"Parang si President Duterte I think it was 2019 or 2020 he said there is moratorium on the reclamation sa may Manila Bay but kasi sa may office ko ang view ko ay yung Manila Bay and everyday parang may nakikita ho akong barko doon na naghuhulog ng buhangin and I was just in the office of our Senate President, doon po sa view niya may area na may island na," ani Binay.

Sabi ni DENR Usec. Atty. Jonas Leones, wala nang gagawin sa dolomite beach dahil natapos na ang proyekto.

"For the Manila Bay rehabilitation, tuloy-tuloy po yung ating rehabilitation but for dolomite area we have already completed the dolomite area, placing of the sand."

Hinggil naman sa reclamation project, sinabi ni DENR Secretary Maria Antonia Loyzaga na mayroon nang 21 nabigyan ng environmental compliance certificate (ECC).

Ang mga ECC ay para sa reclamation mula Cavite hanggang Navotas.

"It appears po that the moratorium was not in effect when these ECCs were actually granted," ani Loyzaga.

Uminit naman ang ulo ni Villar at napamura noong napag-usapan na ang reclamation project at ECC sa Cavite.

Tinanong niya si DENR Director for Environmental Management Bureau Engr. William Cuñado sa mga partikular na lugar sa Coastal Road sa Cavite na may ECC na.

"Itong Coastal Road, Madam chair, 846 hectares... In Cavitex, Madam chair. Cavite," aniya.

Pero hindi nagustuhan ni Vilar ang sagot ng opisyal.

"Saan ang Cavitex? Ang laki ng Cavitex. Cavitex starts Parañaque, umikot papuntang Cavite. So saan to? Ako wag nyong gagawin sa akin yan. ***** niyo. Dumating ka dito galing ka sa Cebu, ginulo mo kaming lahat," anang senador.

Sabi pa ni Villar, noong naghi-hearing ang DENR para sa mga reclamation projects ay itinago pa sa kanya at hindi pinadalo sa pagdinig.

Ayaw ni Villar pumayag sa reclamation dahil una nang sinabi sa kanila ng noo’y DPWH Secretary Rogelio Singson na babahain ang Las Piñas ng may taas na 3 palapag dahil walang lalabasan ang tubig.

"Ano ba yan? Ang kapal naman ng mukha niyo. Alam niyo nang babaha kami ng katakot-takot, ayaw niyo pang tigilan yan," she said.

Nangako naman si Loyzaga na rerepasuhin ng kanyang tanggapan ang polisiya sa reclamation projects.

Read More:
Senate
senator
Cynthia Villar
Manila Bay
Manila Bay reclamation
dolomite beach
DENR
budget hearing
Department of Environment and Natural Resources
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT