4 inmates sa Davao City Jail nagpositibo sa drug test; nakumpiska sa selda | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 inmates sa Davao City Jail nagpositibo sa drug test; nakumpiska sa selda

ABS-CBN News
Published Oct 11, 2022 05:58 AM PHT

Nagpositibo sa drug test ang apat na inmates ng Davao City Jail habang nasabat ang ilang pakete ng shabu sa isang surprise inspection ng Bureau of Jail Management and Penology sa naturang bilangguan.

Isang greyhound operation ang ipinatupad ng mga kawani ng BJMP noong Sabado matapos makatanggap ng impormasyon ang warden ng city jail na may bagong dating na inmate ang may dala umanong shabu.

Ayon sa BJMP XI, hindi umano nila nabisto sa inspeksyon ang nasabing inmate dahil nilunok umano nito ang mga ilegal na droga.

Nakumpiska sa operasyon ang 12 pakete ng shabu.
Nakumpiska sa operasyon ang 12 pakete ng shabu.
ADVERTISEMENT
Dito na isinailalim sa drug test ang 44 na inmates mula sa selda kung saan nakuha ang mga kontrabando.

Ayon sa BJMP, patuloy umano ang kanilang imbestigasyon sa nangyari at mahaharap sa dagdag na kaso ang mga sangkot na inmate.—Ulat ni Hernel Tocmo