3 detainee patay sa tangkang pagtakas sa Camp Crame; De Lima na-hostage | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 detainee patay sa tangkang pagtakas sa Camp Crame; De Lima na-hostage

3 detainee patay sa tangkang pagtakas sa Camp Crame; De Lima na-hostage

Reiniel Pawid,

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 09, 2022 08:45 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA (UPDATE) - Patay ang 3 detainee sa loob ng Philippine National Police (PNP) Custodial Facility sa Camp Crame, Quezon City nitong umaga ng Linggo matapos tangkaing tumakas at hostage-in pa si dating Sen. Leila de Lima.

Pasado alas-6 ng umaga nang umano'y saksakin gamit ng kutsilyo ng tatlo si Police Corp. Rogel Agustin. Nagtamo ng mga saksak sa ulo at katawan ang nasabing pulis.

Kinilala ang tatlo bilang sina Arnel Cabintoy, Idang Susukan and Feliciano Sulayao Jr.

Nang makita ni Patrolman Lorenz Matias ang nangyari, agad umano niyang binaril si Cabintoy at Susukan, habang si Sulayao ay nakapunta naman sa kinaroroonan ni De Lima at hinostage ang dating mambabatas.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, maraming demand ang nang-hostage kay De Lima tulad ng hummer at helicopter.

Pero nabaril ng pulis na si Col. Mark Pespes si Sulayao habang nag-aabot ng tubig na hiningi ng detainee, ayon kay Abalos.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., miyembro ng Abu Sayaff Group ang 3 detainee na nahaharap sa kaliwa't kanang kaso ng pagpatay at kidnapping.

Dinala sa PNP General Hospital si Agustin, na stable na ang kondisyon.

Maayos rin umano ang lagay ng isang inmate na nadamay at nagkaroon ng sugat sa kamay.

ADVERTISEMENT

Tiniyak naman ni Azurin at ng legal counsel ni De Lima na si Filibon Tacardon na ligtas ang dating senador.

"Wala po siyang tinamong sugat at hindi siya nasaktan," ani Tacardon.

Sa social media post, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kakausapin niya si De Lima para bigyan ito ng pagkakataong makalipat ng detention center.

"Following this morning’s incident at Camp Crame, I will be speaking to [former] Senator De Lima to check on her condition and to ask if she wishes to be transferred to another detention center," ani Marcos.

Pero sa pagbisita ni Abalos kay De Lima, sinabi ng kalihim na tumanggi na ang dating mambabatas na magpalipat pa ng kulungan.

ADVERTISEMENT

"Sinabi niya sa akin na she feels safe sa lugar niya," ani Abalos.

Ayon sa PNP, babalikan nila muli ang security measures sa loob ng custodial facilities at mas magiging mahigpit sa mga gamit na maaaring gawing armas o patalim.

Taong 2017 nang arestuhin sa mga kasong may kinalaman sa droga si De Lima, na isang matinding kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iginiit naman ni De Lima na gawa-gawa lang ang mga kaso laban sa kaniya.

Ilang testigo laban kay De Lima ang binawi na rin ang kanilang testimonya laban sa dating senador.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.