Pabuya sa makapagtuturo sa pumatay kay Percy Lapid, nasa P1.5 milyon na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pabuya sa makapagtuturo sa pumatay kay Percy Lapid, nasa P1.5 milyon na

Pabuya sa makapagtuturo sa pumatay kay Percy Lapid, nasa P1.5 milyon na

Nico Bagsic,

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 07, 2022 01:18 PM PHT

Clipboard

Radio commentator na si Percy Lapid sa kaniyang radio program na
Radio commentator na si Percy Lapid sa kaniyang radio program na "Lapid Fire" sa DWBL 1242 AM radio, Oktubre 2, 2022. Lapid Fire Screengrab

MAYNILA — Umakyat na sa P1.5 milyon ang pabuya sa makakapagturo sa kinaroroonan ng salarin sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid, sinabi ng interior department ngayong Biyernes.

Mula sa negosyante at abogadong si Alex Lopez na kaibigan ni Lapid ang P1 milyon na pabuya, sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos sa isang press briefing.

Una nang nag-alok si Abalos ng P500,000 na pabuya para sa ikalulutas ng kaso.

Pinagtagpi-tagpi na ng special investigation task group ang mga nakuha nilang CCTV at dashcam video, kung saan nahagip ang hinihinalang pumaslang kay Lapid, ayon sa pulisya.

ADVERTISEMENT

Nasa loob ng kaniyang sasakyan si Lapid nang lapitan ng isang riding-in-tandem bago barilin malapit sa kaniyang bahay sa Las Piñas noong Lunes.

Mayroon nang person of interest ang mga imbestigador, sabi ni Metro Manila police chief PBGen. Jonnel Estomo.

Ito aniya ang naka-pink na tao na nasa CCTV videos na nakitang naglalakad sa harap ng Las Piñas city hall.

Nanawagan si Abalos ng kooperasyon ng publiko para matukoy ang naturang person of interest na may t-shirt marking na nag-match sa taong nakaangkas sa motorsiklo at nakuhanan ng dash cam ng sasakyan ni Lapid.

Nakuhanan din ng dash cam ang isa pang lalaking nakaupo sa sidewalk bago ito pumasok ng Sta. Cecilia Village. Ito umano ang driver na naghihintay at sumakay sa motorsiklo nang makita ang sasakyan ni Lapid na dumaan.

Sinabi ng pulisya na wala silang nakuhang relevant na impormasyon mula sa cellphone ni Lapid tungkol sa posibleng motibo at mga salarin sa pagpatay.

Binigyan na ng sapat na seguridad ang pamilya ng biktima laban sa mga pumaslang kay Lapid, ayon sa National Capital Region Police Office.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.