Magulang na 'magpapabaya' sa anak, ano ang pananagutan? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magulang na 'magpapabaya' sa anak, ano ang pananagutan?

ABS-CBN News
Published Oct 05, 2018 07:05 PM PHT
|
Updated Oct 05, 2018 07:52 PM PHT

Nitong Lunes, naiulat ang pagkalunod ng 1 taong gulang na bata sa timba ng tubig sa Camarines Sur kung saan inamin ng ina na iniwan niya sa kanilang tahanan ang bata para sunduin ang iba pa niyang mga anak sa paaralan.

Kahit iginiit ng ina na walang iba pang magsusundo sa kaniyang ibang anak, may pananagutan pa rin ba siya sa batas?

Ayon sa isang abogado, malaki ang pananagutan ng ina ng biktima dahil kita aniya ang paglabag ng karapatan ng bata na maalagaan at maprotektahan ng kaniyang magulang.

“Puwede mo rin siyang tingnan bilang karapatan ng bata... Dito malinaw may paglabag sa karapatan ng bata kasi karapatan niyang maalagaan,” ani Atty. Noel del Prado sa “Usapang de Campanilla” nitong Huwebes.

ADVERTISEMENT
"Malinaw din na may... hindi pagtupad ng tungkulin ng magulang... Pero hindi lang kulang sa pag-iingat na bastang nagwalang-bahala, nagresulta [pa] sa kamatayan ng bata," dagdag ng abogado.

Batay sa Presidential Decree (PD) 603 o Child and Youth Welfare Code, mapaparusahan ang isang magulang na maglalagay sa panganib sa kaniyang anak.

Narito ang nakasaad sa PD 603:
Narito ang nakasaad sa PD 603:
"Every child has the right to protection against exploitation, improper influences, hazards, and other conditions or circumstances prejudicial to his physical, mental, emotional, social and moral development.”
Nakapaloob rin ang mga nabanggit sa Republic Act 7610, na mas pinaigting na bersiyon ng PD 603.

Ayon pa kay Del Prado, maaaring sampahan ng tatay o ibang kamag-anak ng bata ng kaso ang ina.

Pero maaari ring magsampa ng kaso ang ilang umano’y “concerned citizens” na nakapaloob sa Republic Act 7610, tulad na lamang ng mga kapitbahay na nakakaalam sa kaso at mga pinuno o opisyales ng mga barangay.

Kung umarangkada ang kaso at mahatulan ang ina, maaari siyang humarap sa 12 hanggang 20 taong pagkakakulong.