1-taong gulang na bata nalunod sa timba | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1-taong gulang na bata nalunod sa timba
1-taong gulang na bata nalunod sa timba
ABS-CBN News
Published Oct 02, 2018 06:09 PM PHT
|
Updated Oct 03, 2018 12:39 AM PHT

LIBMANAN, Camarines Sur - Patay ang 1-taong gulang na bata matapos malunod sa isang timba ng tubig dito sa lungsod, Lunes.

Ayon sa mag-asawang sina Michael at Helen Grace Nidea, natagpuan nila ang kanilang bunsong anak na si France Anne na wala nang malay sa loob ng isang timba sa kanilang bahay.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, iniwan ng ina si France Anne at ang 3 anyos nitong kapatid sa kanilang bahay para ihatid ang iba pang mga anak sa paaralan.

Ayon sa mga awtoridad, negligence o kapabayaan ng magulang ang sanhi ng pagkamatay ng paslit.
Ayon sa mga awtoridad, negligence o kapabayaan ng magulang ang sanhi ng pagkamatay ng paslit.
ADVERTISEMENT
"Nariyan ang pagsisisi pero wala na akong magagawa," sabi ni Helen Grace.

Pinag-uusapan pa ng pamilya ng bata kung magsasampa sila ng kaso laban sa ina ng biktima. - ulat ni Rizza Mostar, ABS-CBN News