PatrolPH

QC namigay ng 2,000 helmet sa mga siklistang madalas dumaan sa lungsod

ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2020 07:25 PM | Updated as of Oct 02 2020 08:31 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Aabot sa 2,000 bike helmets ang ipinamigay ng lokal na pamahalaan ng Quezon City nitong Biyernes para sa mga siklistang madalas dumadaan sa mga lansangan ng lungsod.

Ito ay kasunod ng pagpapasa ng QC local government unit (LGU) ng isang ordinansang nag-oobliga sa pagsusuot ng helmet sa mga nagbibisikleta sa siyudad.

Ipatutupad ang ordinansa sa Oktubre 15. Kapag walang helmet ay maaaring magmulta nang nasa P1,000 hanggang P5,000, pero maaari raw itong ibaba lalo kung nasa marginalized sector ang violator.

Inaasahang may susunod na batch pa ng libreng bike helmet ang ipamimigay bago maging epektibo ang ordinansa.

Pero ang grupong Bikers United Marshalls, umapela kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na huwag munang pagmultahin ang mga nagbibisikletang walang suot na helmet.

Paliwanag ni Ann Angala, spokesperson ng grupo, pawang mga minimum wage worker ang karamihan ng mga nagbibisikleta at mabigat ang multa sakaling mahuli pa sila.

—Mula sa ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.