Appointment ni Pangandaman sa DBM aprub sa CA | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Appointment ni Pangandaman sa DBM aprub sa CA

Robert Mano,
ABS-CBN News
Published Sep 28, 2022 07:49 PM PHT

MAYNILA -- Lumusot ngayong Miyerkoles sa Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman.

Sa committee hearing, naitanong sa kalihim ang posisyon nito sa panukalang pag-abolish sa Procurement Service ng ahensya (PS-DBM) matapos na maharap sa kaliwa't kanang kontrobersiya.

Sinabi ni Pangandaman na mayroon na siyang inihandang mga reporma sa PS-DBM, kabilang dito ang pagtutok sa "common-use supplies," digitalization sa pagbili ng mga produkto para matiyak ang maayos na inventory, at pagsasagawa ng bidding process online para sa transparency.

Hindi na rin aniya papayagan ang pagpa-“park” ng pondo ng mga ahensya sa PS-DBM.

ADVERTISEMENT
"I defer to the good judgement, wise judgement of the Congress. But if you will give us a chance, anyway, nandyan pa po ang PS-DBM, if we can work on some reforms," aniya.

Dagdag pa sa nabusisi sa kalihim ang cash-based budgeting, Mandanas-Garcia ruling, at pag-amyenda sa Procurement Law.

Sabi ni Pangandaman, panahon na para amyendahan ang procurement law.

Sa Mandanas-Garcia ruling naman ng Korte Suprema na nagbibigay dagdag-kapangyarihan o awtonomiya sa mga lokal na pamahalaan, nakatakda aniyang maglabas ng panibagong executive order ang pangulo para palawigin pa hanggang 2025 ang debolusyon ng trabaho sa mga LGU.

Si Pangandaman ay nagsilbing Chief of Staff ni dating Senate President Edgardo Angara. Nagtrabaho rin siya noon kay Senador Loren Legarda, naging dating Budget Undersecretary, at Bangko Sentral ng Pilipinas Assistant Governor sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
Commission on Appointments
CA
DBM
Department of Budget and Management
Amenah Pangandaman
PS DBM
PSDBM
DBM Secretary
Budget Secretary
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT