Mga taga-Marikina, naalala ang 'Ondoy' kaya maagap lumikas sa 'Karding': mayor | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga taga-Marikina, naalala ang 'Ondoy' kaya maagap lumikas sa 'Karding': mayor

Mga taga-Marikina, naalala ang 'Ondoy' kaya maagap lumikas sa 'Karding': mayor

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 26, 2022 08:25 PM PHT

Clipboard

Clearing operation sa may Marikina River nitong Setyembre 26, 2022 kasunod ng pananalasa ang Bagyong Karding sa Luzon. Adrian Ayalin, ABS-CBN News
Clearing operation sa may Marikina River nitong Setyembre 26, 2022 kasunod ng pananalasa ang Bagyong Karding sa Luzon. Adrian Ayalin, ABS-CBN News

Bakas pa sa alaala ng mga taga-Marikina City ang karanasan sa Bagyong Ondoy kaya marami sa kanila ang lumikas agad bago pa manalasa ang Bagyong Karding, sabi ni Mayor Marcelino Teodoro ngayong Lunes, kasabay ng ika-13 anibersaryo ng malakas na bagyo noong 2009.

"Hindi ganoon kataas ang tubig sa kanilang lugar. Maaaring hanggang binti o hanggang baywang lamang," ani Teodoro ukol sa epekto ng Super Typhoon Karding, na nagdala ng malalakas na hangin at ulan sa Luzon nitong Linggo hanggang madaling araw ng Lunes.

"Pero naaalala ng maraming taga-Marikina 'yong karanasan noong 2009, kung kailan nagkaroon ng pagbaha sa Bagyong Ondoy. Kaya minabuti ng marami na maging ligtas na habang mababa pa ang tubig," dagdag niya.

Ayon kay Teodoro, nakatulong din ang inilatag na mitigation measures, tulad ng dredging sa Marikina River na madalas umapaw bunsod ng malakas na buhos ng ulan.

ADVERTISEMENT

Umabot sa higit 5,000 pamilya o 21,000 indibiduwal ang lumikas sa lungsod matapos umabot sa ika-3 alarma ang lebel ng tubig sa Marikina River dahil kay Karding.

Sa Barangay Nangka, maraming residente ang pumunta sa Nangka Elementary School habang ang iba'y inilipat sa dalawang iba pang paaralan.

Watch more News on iWantTFC

Ayon kay Nangka Barangay Chairperson Randy Leal, dahil may banta pa ng COVID-19, sinunod nila na apat hanggang limang pamilya lang ang nanatili sa isang silid-alaran, kaya kinulang ng classrooms sa Nangka Elementary School.

Natakot aniya ang mga residente nang makitang mabilis ang pagtaas ng tubig sa ilog, kaya kahit magha-hatinggabi na ng Lunes, marami pa rin ang mga pumunta sa evacuation center.

Sa Barangay Malanday, napasugod ang rescue team para respondehan ang ilang residente ng Camia Street na hindi makalabas ng bahay dahil sa taas ng baha.

Nitong umaga ng Lunes, may ilang residente nang bumabalik sa kanilang bahay para tingnan ang kalagayan ng mga ito at maglinis. Mayroon ding mga bumabalik sa evacuation sites.

Ayon sa city disaster office, posibleng pauwiin na rin ang mga evacuee lalo't bumaba pa ang lebel ng tubig sa Marikina River.

Isinailalim sa Signal No. 4 ang Metro Manila noong Linggo bunsod ng banta ng Bagyong Karding, pero wala naman umanong naitalang malaking pinsala sa lugar lalo't maagang naghanda ang mga lokal na pamahalaan.

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.