Ilocos Norte, ‘excited at takot’ sa takdang pagbubukas ng turismo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilocos Norte, ‘excited at takot’ sa takdang pagbubukas ng turismo

ABS-CBN News
Published Sep 26, 2020 06:29 PM PHT

MAYNILA - Magkahalong pangamba at pagkasabik ang nararamdaman ng lalawigan ng Ilocos Norte sa muling pagbubukas ng turismo nito sa Oktubre sa gitna ng patuloy na COVID-19 pandemic.

“Excited na po kami. Takot din, siyempre. We understand there’s a risk but may mga safeguards naman,” pahayag ni Gov. Matthew Marcos Manotoc.

Ang Ilocos Norte ay kabilang sa mga lalawigan sa Region I at Baguio City na nakatakdang magbukas ng turismo sa Oktubre 1 sa ilalim ng Ridge to Reef program, ang travel bubble program na Department of Tourism.

Ayon kay Manotoc, bukod sa pagpapatupad ng minimum health protocols, hindi papayagang makapasok sa lalawigan ang mga lokal na turistang walang negative RT-PCR o antigen test.

“Wala pong papasok na wala pong negative test and we’ve been coordinating with Sec. Berna [Bernadette Romulo-Puyat] of the DoT, [Baguio City] Mayor [Benjamin] Magalong, and my fellow governors sa Region 1 para aligned po kami sa requirements,” sabi ni Manotoc sa panayam sa TeleRadyo Sabado ng tanghali.

Hindi rin muna aniya papayagan ang walk-in o pagbisita sa lalawigan nang walang koordinasyon sa awtoridad.

“In addition sa testing, 'yung mga tours nila pre-arranged so wala pong mga spur of the moment, walang unplanned tours. Lahat po kailangang arranged at may kasamang tour guide,” saad ng gobernador.

Paliwanag niya na kakailanganin sa ngayon ang serbisyo ng mga tour guide para kontrolado ang pagbisita ng mga lokal na turista.

Inaasahan din niyang mapayagan sa susunod ang mga turista mula sa ibang mga lugar na pwedeng pagsabayin ang pasyal sa trabaho at mag-work from the beach sa halip na work from home.

“For now dito kami magsta-start, medyo learning process po. As we finalize and fine tune, we look forward to welcoming tourists from everywhere basta may PCR or antigen test na negative po,” sabi niya.

Ilan sa mga sikat na tourist spots sa Ilocos Norte ang Cape Bojeador Lighthouse, Saud Beach sa Pagudpud, Kapurpurawan rock formation at sand dunes.

Read More:
Matthew Marcos Manotoc
Ilocos Norte Governor
Ilocos Norte travel bubble
Ridge to Reef program
COVID-19 Ilocos Norte updates
Teleradyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT