Mabagal na proseso: SSS, pinaka-inireklamong ahensya ng pamahalaan sa CSC | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mabagal na proseso: SSS, pinaka-inireklamong ahensya ng pamahalaan sa CSC

Robert Mano,
ABS-CBN News
Published Sep 24, 2021 03:42 PM PHT

MANILA— Ang Social Security System (SSS) ang ahensya ng gobyerno na pinaka-inireklamo ng publiko ngayong taon at noong 2020 sa Civil Service Commission (CSC).

Sinabi ito ni CSC Chairperson Alicia Dela Rosa Bala sa gitna ng pagdinig ng Senado sa panukalang budget ng CSC para sa susunod na taon.

Reklamo raw laban sa SSS ngayong taon ang mabagal na proseso, hindi maliwanag na procedure, walang sumasagot sa hotline at bigong aksyon sa mga request.

Noong nakaraang taon, kasama naman sa reklamo laban sa SSS ang discourtesy.

ADVERTISEMENT
Sa kabuuan ng taong 2020, kasunod naman ng SSS sa dami ng reklamo ang Land Transportation Office (LTO).

Dahil naman ito sa umano'y discourtesy at fixing activities, mabagal na proseso, malabo na procedure at bigong harapin ang mga kliyente sa loob ng office hours.

Marami ring natanggap na reklamo ang CSC noong 2020 tungkol sa mga sumusunod na ahensya ng gobyerno:

- Bureau of Internal Revenue (BIR)
- Department of Social Welfare and Development (DSWD)
- Philippine Statistics Authority (PSA)
- Land Registration Authority
- Department of the Interior and Local Government
- Philippine Postal Corporation
- PAG-IBIG fund
- Department of Health

Base sa pinakahuling tala naman nila nitong Hunyo, maraming natanggap na reklamo ang CSC tungkol sa BIR, Department of Education, LTO, Land Registration Authority, Professional Regulation Commission, Department of Public Works and Highways, Land Bank of the Philippines, DSWD at PSA.

Kabilang sa karaniwang inirereklamo ng mga mamamayan sa CSC ang mabagal na proseso, discourtesy, failure to act on request, failure to attend to clients during office hours, at poor facilities.

Samantala, sinabi pa ni Bala na sa unang quarter ng susunod na taon ay gagawin na nila online ang civil service examination.

Tumagal lang aniya ang paghahanda dahil sa pag-automate at pag-digitize ng exam.

Para sa 2022, humihingi ang CSC ng P2.48 billion na budget, pero ang inaprubahan ng DBM ay P1.896 billion lamang.

Aprubado na ng Senate sub-committee ang budget sa panukalang 2021 na pondo ng CSC.

Read More:
Social Security System
SSS
complaints
Civil Service Commission
CSC
mabagal na proseso
discourtesy
failure to act on request
failure to attend to clients during office hours
poor facilties
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT