Bree Jonson namatay sa asphyxia, Ongpin 'cooperative': pulisya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bree Jonson namatay sa asphyxia, Ongpin 'cooperative': pulisya

Bree Jonson namatay sa asphyxia, Ongpin 'cooperative': pulisya

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 22, 2021 08:38 PM PHT

Clipboard

Itinuturing na isang malaking kawalan sa local art community ang pagkamatay ng 30-anyos na si Bree Jonson. Retrato mula sa IG ni Mark Nicdao
Itinuturing na isang malaking kawalan sa local art community ang pagkamatay ng 30-anyos na si Bree Jonson. Retrato mula sa IG ni Mark Nicdao

MAYNILA — Umarangkada na ang malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson sa La Union.

Setyembre 18 nang matagpuang patay si Jonson, 30, sa tinutuluyang hostel sa La Union, kasama ang sinasabing nobyong si Julian Ongpin, 29, anak ng bilyonaryong si Roberto Ongpin.

Sabi ni Police Regional Office 1 director Brig. Gen. Emmanuel Peralta, lumalabas na asphyxia o kawalan ng oxygen ang ikinamatay ni Jonson, batay mismo sa autopsy na isinagawa ng kanilang laboratoryo.

Kinumpirma rin ni Peralta na may ilegal na droga sa katawan ni Jonson base sa examination.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

"May cocaine sa system ni Briana," ani Peralta.

PANOORIN

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dagdag pa ni Peralta, may marka rin sa leeg si Jonson pero 'di pa matukoy sa ngayon kung ito ay self-inflicted o may ibang taong gumawa.

Base rin daw sa autopsy, walang defense wounds si Jonson at ang mga sugat ni Ongpin ay natamo umano nito nang subukang
"tulungan" si Jonson.

"Pinakita niya sa amin, yung mga sugat galing sa pako... Lumusot sya sa bintana," sabi ni Peralta.

Ang malinaw aniya, patuloy ang imbestigasyon nila kay Ongpin.

Nauna nang sinabi ni Ongpin na nagbigti si Jonson, pero hindi naniniwala ang pamilya ng artist dito.

Sa ngayon, person of interest si Ongpin, at binabantayan na ng Bureau of Immigration ang galaw nito at posibleng paglabas sa bansa.

Nakikipagtulungan umano si Ongpin sa pulisya at nakatakdang humarap sa preliminary investigation ng piskalya sa susunod na linggo.

"Masasabi naman nating cooperative siya. Pinatawag namin siya kahapon for futher questioning and he readily reported sa La Union police office assisted by his lawyer," ani Peralta.

Itinuturing na isang malaking kawalan sa local art community ang pagkamatay ni Jonson.

—Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.