Pagtaas ng sahod ng Nurse 2 position, itutulak ng DOH sa DBM | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagtaas ng sahod ng Nurse 2 position, itutulak ng DOH sa DBM

ABS-CBN News
Published Sep 22, 2020 07:50 PM PHT
|
Updated Sep 22, 2020 08:34 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) - Makikipagpulong ang Department of Health (DOH) sa Department of Budget and Management (DBM) para talakayin ang isyu ng pagtaas ng sahod ng entry-level government nurses, na nakita naman bilang demotion ng grupo ng mga nars.

Ayon kay Health Undersecretary Roger Tong-an, itutulak nilang ma-retain ang Nurse 2 hanggang Nurse 7 na posisyon, pero irerekomendang itaas ang sahod ng Nurse 2 position.

“Ang agenda namin sa Friday is for the Nurse 2, Salary Grade 15 Step 8. 'Yung salary nung Nurse 3 to Nurse 6 ganun pa rin, kasi hindi naman 'yun nagalaw. Only Nurse 2 and Nurse 1,” pahayag ni Tong-an sa ginanap na virtual dialogue na inorganisa ng Filipino Nurses United (FNU) ngayong Martes.

Inaprubahan ng DBM ang pondo para ipatupad ang Philippine Nursing Act of 2002 na magtataas sa entry-level pay ng mga pampublikong nurse sa P32,000.

Epektibo ito mula Enero 1, 2020.
Epektibo ito mula Enero 1, 2020.
Bagama't hindi gagalawin ang sahod ng ibang nurses, tatamaan naman ang kanilang posisyon.

Sa Budget Circular 2020-4, ang Nurse 2 position ay na-downgrade sa Nurse 1. Pero dahil sa Nurse 6 na ang pinakamataas, nawala na dito ang dating Nurse 7 na posisyon.

“Ang isang compromise is that, nung hindi sila pumayag na SG 16 'yung Nurse 2, ang next na ginawa namin sa Department of Health, sinuggest namin ulit na kung puwede, 'yung Nurse 2, SG 15. Pero automatic Step 8 sila, para 'yung Nurse 1 entry na SG 15, P32,053 ang basic niya, at 'yung Nurse 2 salary grade 15, Step 8, ay P34,801,” sabi ni Tong-an.

Sa dating pakikipag-usap ni Tong-an kay Budget Secretary Wendel Avisado hinggil sa kung papayagang maging SG 16 ang Nurse 2, sinabi ng huli na wala aniya silang legal basis para dito, pero nangakong pag-aaralan nila.

“Ang gumawa ng change of attributes is the DBM, hindi po ang Department of Health. Pero sa kanila, hindi daw puwede kasi walang legal basis. Hanggang ngayon, hindi sila sumasagot kung papayag sila sa SG 16 na Nurse 2, or SG 15 na Nurse 2 na Step 8,” sabi ni Tong-an.

Para naman sa FNU, hindi umano kinonsidera ang job positions mula Nurse 1 hanggang Nurse 7 sa Budget Circular, at wala man lang din umanong ginawang konsultasyon sa kanila.

“The FNU believes that the downgrading of Nurse positions is an outright disrespect of their length of service spent in the current position and totally disregard their hard-earned nursing position,” ayon sa position paper na binasa ni FNU National Treasurer Jaymmee De Guzman.

Nais ng grupo na gumawa ang DOH ng rekomendasyon sa DBM na amyendahan ang Budget Circular 2020-4 para makasama rin ang mga job order at contract-of-service na mga nurse sa salary grade 15. Gusto rin ng grupo na i-convert ang mga ito bilang plantilla position para ma-absorb sila bilang regular na empleyado.

Nilinaw naman ni Tong-an na nagkaroon ng konsultasyon sa kanila, pero maging sila ay nagulat sa inilabas na Budget Circular.

“Hindi namin pinagmitingan 'yung attributes position and nomenclature. Nabigla na lang kami nung lumabas 'yung DBM Circular na 'yung Nurse 7, naging Nurse 6; at 'yung Nurse 2, naging Nurse 1,” paliwanag ni Tong-an.

Mahigpit na pinaninindigan ng FNU na walang posisyon ang dapat na mabawasan.

“All nurses who will be elevated to Nurse 1 with Salary Grade 15 should benefit, regardless of employment status. Likewise, all nurses in the LGUs should enjoy the same benefits or legal intervention kasi sila rin po ay nagsisilbi sa public sector,” sabi ni FNU Vice President Leni Nolasco.

Base sa pinakahuling tala nitong Hunyo 30, 2020, mayroong 16,855 nurses sa mga pampublikong hospital habang nasa 1,831 plantilla position ang bakante.

Ayon din kay Tong-an, nasa 207 lang mula sa 1,700 overseas Filipino health workers na bumalik sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic ang nagpahayag na gustong magtrabaho sa gobyerno.

“Ang DOH gumawa ng position statement na hindi po namin sinusuportahan ang pag-ban ng frontliners especially nurses to go abroad, kasi karapatan po nila ‘yan,” aniya.

Kamakailan lang pinahintulutan ng gobyerno ang deployment ng mga Filipino health worker sa ibang bansa. — May ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Read More:
Department of Health
Nurses
DBM
Roger Tong-an
salary upgrade
DOH
Philippine nurses
Philippine nurses positions
Philippine nurses salary
Philippine nurses issues
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT