ALAMIN: Bakit idinadaing ng ilang nurse ang 'taas-sahod' sa ilalim ng DBM circular | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Bakit idinadaing ng ilang nurse ang 'taas-sahod' sa ilalim ng DBM circular

ALAMIN: Bakit idinadaing ng ilang nurse ang 'taas-sahod' sa ilalim ng DBM circular

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Sugat-sugat ang ilong ni Jeh-Ar Agno, isang nurse, dahil sa labis na pagsusuot ng respirator mask.

Nakatali ito sa likod ng ulo, kaya pati batok niya may sugat din.

Mula Marso pa kasi nagtatrabaho na si Agno bilang nurse sa COVID-19 ward at sa ospital na siya natutulog.

"Halos hatiin mo na 'yung katawan mo... Hindi ka pa tapos sa isa, tapos babalik ka du'n sa isa. Everyday po naka-diaper ako, kasi minsan hindi mo na rin po talaga makokontrol 'yung bladder mo, iihi at iihi ka talaga do'n," aniya.

ADVERTISEMENT

Inspirasyon ni Agno ang daan-daang COVID-19 patients na natulungan niyang gumaling.

Pero naiisip niya ring mangibang bayan gawa ng napakaliit kasi ng kanyang sahod kahit 8 taon na siyang nurse.

"Ang dami naming tinataya, buhay namin, buhay ng pamilya namin... Dumadating talaga sa point na napanghihinaan kami ng loob."

Matagal nang panawagan ng grupong Filipino Nurses United (FNU) na gawing P30,000 ang starting salary ng mga nurse. Minimum wage kasi ang mga nasa pribadong ospital at salary grade 11 o P22,000 naman ang nasa gobyerno.

Nitong Hulyo, inaprubahan ng Department of Budget and Management ang P3-bilyong pondo para ipatupad ang Philippine Nursing Act of 2002, na nagsasabing salary grade 15 o P32,000 talaga dapat ang entry level pay ng mga pampublikong nurse.

Epektibo ito mula Enero 1, 2020. Hindi gagalawin ang suweldo ng ibang nurse pero tatamaan ang kanilang posisyon.

Ang Nurse 2 halimbawa na dati nang tumatanggap ng salary grade 15, balik sa Nurse 1 ang posisyon. Ganito rin ang iba pang nursing levels.

Pero dahil Nurse 6 na ang pinakamataas na nursing position, wala na ang Nurse 7. Para sa mga nurse, isa itong demotion.

"Kahit anong sabihin, demotion ito. Paano 'yung na-promote sa Nurse 2 ibabalik nyo sa entry level?" tanong ng nurse na si Ronchie Santos.

"I was promoted after 6 to 7 years from Nurse 1... There is wage distortion. We worked hard for this and pinilosopo nyo kami," hinaing ni Jaymmee de Guzman.

Itinanggi naman ng DBM na demotion ang pagbabago sa posisyon.

"Wala pong demotion since you maintained same salary grade. We recognize sentiments on job description. [We] may need to revisit," ani DBM Assistant Secretary Kim Robert de Leon.

Dadalo ang FNU sa pagdinig ng House civil service committee na tatalakay sa mga panukalang batas para sa mga nurse.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.