ALAMIN: Mga pinsalang maaaring makuha sa maling paggamit ng UV light | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga pinsalang maaaring makuha sa maling paggamit ng UV light

ALAMIN: Mga pinsalang maaaring makuha sa maling paggamit ng UV light

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv



MAYNILA — Makailang ulit nang pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na ang paggamit ng ultraviolet (UV) light bilang pang-disinfect ay maaaring magdulot ng masamang epekto kung hindi tama ang paggamit nito.

Gayunpaman, marami pa rin ang naeengganyo.

Paliwanag ni Dr. Gerald Belandres, may katangian ang UV light na wala sa ordinaryong ilaw kaya patok ito ngayon bilang disinfectant sa gitna ng pandemya.

"Ang ordinary light kasi nagpo-provide lang siya ng illumination.
Yung UV light kasi nag-e-emit ng heat energy na puwedeng sumira sa mga surfaces ng mikrobyo o viruses," aniya.

ADVERTISEMENT

Pero dahil din dito, maaari talagang makaramdam ng hindi magandang epekto ang sino mang matagal na ma-e-expose dito.

Para kay Food and Drug Administration (FDA) director-general at ophthalmologist na si Dr. Eric Domingo, ang negatibong epekto ay madalas nararamdaman sa mga mata.

"'Yung kasing cornea at conjunctiva, 'yung outer layer ng mata, very sensitive to ultraviolet na exposure. So para siyang nasusunog. Nagkakaroon siya ng parang burn, sumasakit, nag-i-inflame, tapos maaaring matuyo at maaaring maging cause ng panlalabo ng paningin," aniya.

"'Yung mga machines na 'yan, iba-iba ang strength ng UV rays niya. Hindi siya calibrated... Puwedeng malakas na malakas siya kaya kahit short exposure lang magkakaroon ka na ng burn," dagdag ng doktor.

Pero hindi lang mata ang maaring maapektuhan ng matagal na exposure sa UV light.

"Maaring makasunog ng balat. Meron din siyang effect sa respiratory system kung sa pang matagalang gamit... Inuulit po namin ang UV light po wala pang sapat na ebidensiya na nagsasabing directly makakapatay ng SARS-COV2. Ginagamit siya sa specific facilities kung saan guarded ang paggamit.... 'Pag ginamit sa bahay, kailangan po ang dobleng ingat," ani DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire.


—Mula sa ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.