Mga eksperto sa mata nagbabala vs paggamit ng UV light disinfectant | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga eksperto sa mata nagbabala vs paggamit ng UV light disinfectant

Maan Macapagal,
ABS-CBN News
Published Jun 04, 2020 03:45 PM PHT
|
Updated Jun 20, 2020 07:39 PM PHT

MAYNILA — Sa gitna ng pandemyang COVID-19, mabili ngayon ang mga ultraviolet (UV) light na sinasabing kayang makapatay ng mikrobyo, virus, at bacteria sa paligid.

Isa sa mga nakumbinsi na bumili nito ay si Daisy Co. Para makatiyak na sterilized ang mga gamit nila, mula vacuum, germ zapper, at air purifier, kinabitan niya ng UV light.

"I have three kids... I have to make sure na malinis ang bahay, may alcohol palagi at everything is sterilized... 4 or 5 years ago, my kids were very sickly with flu, sipon, ubo. When we started using the UV light technology, di na sila halos nagkakasakit," ani Co.

Nag-disinfect na rin ng clinic si Dra. Sigrid Alindogan bago magbukas sa Biyernes at ang gamit niya ay UV light.
Nag-disinfect na rin ng clinic si Dra. Sigrid Alindogan bago magbukas sa Biyernes at ang gamit niya ay UV light.
ADVERTISEMENT
"As a doctor, I need to make sure na we exhaust all means to protect our patients and to protect our staff. UV light is one of the effective in eliminating viruses and bacteria, but kailangan use din siya properly," ani Alindogan.

Pero iba ang naging karanasan ng nurse na si Caccie Mullasgo. Nahirapan siyang ipikit ang kaniyang mga mata matapos bumili ng UV light online noong Mayo 27.

"Tinurn-on ko saglit to know if it’s working, then turn off, wala pang 10 secs, after non, burning na ang eyes ko," aniya.

Ayon sa mga doktor, nagkaroon ng tinatawag na "photokeratitis" si Mullasgo dahil direktang na-expose ang mata niya sa UV light.

"Mayroon siyang mga palatandaan na mukhang na-damage 'yung anterior superficial ng kanyang cornea... Every time you blink masakit kasi na-expose 'yung nerves, kapag nakaharap ka sa liwanag, magluluha ka mamumula 'yung mata mo, syempre in the process, magkakaroon ng instability 'yung filter mo lalabo 'yung paningin," ani Dr. Reynaldo Santos, presidente ng Philippine Cornea Society (PCS).

Babala ng PCS, gamitin nang wasto ang UV light dahil maaaring mapinsala nito ang balat at mata.

"Nagkakaroon siya ng skin burn... at kung nag-prolong 'yung exposure mamamaga 'yung skin, magpapaltos eventually kapag very chronic ang exposure, it can lead to the dermatosis or even skin cancer," ani Santos.

Payo ng mga eksperto, huwag direktang tingnan ang UV light.

Lumabas ng kuwarto oras na buksan ang UV light at maghintay pa nang kalahating oras bago pumasok muli sa kuwarto.

Bumili lamang din ng UV light sa mapapagkatiwalaang supplier.
Bumili lamang din ng UV light sa mapapagkatiwalaang supplier.
ADVERTISEMENT
Oras na makaramdam ng sakit sa mata matapos ang exposure, magpakunsulta agad sa isang ophthalmologist.