Traffic enforcer tiklo sa umano'y carnapping sa Tagum | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Traffic enforcer tiklo sa umano'y carnapping sa Tagum

Traffic enforcer tiklo sa umano'y carnapping sa Tagum

ABS-CBN News

Clipboard

Arestado ang isang traffic enforcer dahil sa kinakaharap nitong kasong carnapping umano sa Tagum City, Davao del Norte.

Ayon sa pulisya nitong Martes, nahuli ang 36-anyos na suspek sa ikinasang manhunt operation ng mga operatiba sa Brgy. Magugpo South, Tagum noong huling linggo.

Traffic enforcer ng Tagum City Traffic Management Office ang suspek na sangkot sa maraming carnapping complaints sa lungsod.

Tinagurian din siyang top 2 most wanted person ng Regional Highway Patrol Unit XI.

ADVERTISEMENT

Nahaharap siya sa kasong paglabag ng Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016, at walang piyansa ang inirekomenda sa kanya.

Nasa kustodiya na ng Davao del Norte Provincial Highway Patrol Team ang suspek.—Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.