Mga minero sa Benguet, nag-aalangan sa utos ng DENR vs small-scale mining | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga minero sa Benguet, nag-aalangan sa utos ng DENR vs small-scale mining

Mga minero sa Benguet, nag-aalangan sa utos ng DENR vs small-scale mining

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 09, 2020 03:55 PM PHT

Clipboard

Mahihirapan umano ang pamahalaan na tuluyang mapatigil ang small-scale mining sa Benguet dahil ayon sa isang eksperto, ilan sa mga ito ay nagsisilbing "financier" ng ilang politiko.

Ito'y sa kabila ng mga sakunang dulot umano ng pagmimina, gaya ng mga landslide sa Itogon, Benguet at sa Naga, Cebu.

"Some of the campaign funds being used by politicians come from them (mining). They protect themselves also to make sure that the candidates who would win would be someone who is sympathetic to their cause," ani Atty. Benny Carantes, isang political analyst at miyembro ng Baguio Midland Courier.

(Ang mga pondo sa kampanya ng ilang politiko ay nagmumula sa mga kompanya ng minahan. Isa itong paraan upang masiguro ng mga negosyante na nasa poder nila ang politiko.)

ADVERTISEMENT

Kamakailan ay nag-utos ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na itigil muna ang small-scale mining sa Cordillera pero kung ang mga minero ang tatanungin, alangan sila sa pagsunod dito.

Ayon sa 55 anyos na si Carlos Omikeg, 20 taon na siyang minero at lahat ng kaniyang walong anak ay nakatapos dahil sa kaniyang hanapbuhay.

"Bakit naman ihihinto natin 'yung pagmimina. Ang dami-daming tao na pagmimina ang ikinabubuhay dito sa Benguet...Halos 50 percent ata nabubuhay sa pagmimina," paliwanag ni Omikeg.

Sakaling matuloy ang plano ng pamahalaan, posibleng may mapipilitan daw kumapit sa patalim.

"Posibleng dumami 'yung mga kriminalidad dahil 'yung ibang mga minero eh sabi ko nga baka kumapit sila sa patalim," babala ni Omikeg.

Inaantabayanan pa rin ng Small Scale Miners Federation ang pormal na kautusan ukol dito.

"We will first await for the order before we will do the appeal...Antayin muna natin 'yung written order kung puwedeng ma-appeal, para due process naman," ani Lumino Caniteng, pinuno ng grupo.

Ayon naman sa probinsiya ng Benguet, handa silang alalayan ang mga maaapektuhang minero.

"Lahat ng mawawalan ng trabaho, tutulungan, maraming ahensiya ang tutulong like DSWD, DTI, TESDA, DOLE, at marami pang iba," ani Gov. Crescencio Pacalso.

Sa mga nagdaang taon, ilang minero na ang namatay sa Itogon, Benguet dahil sa pagguho at gas poisoning.

Mula 2016 hanggang 2017, 32 maliliit na minahan ang naipasara ng Mines and Geosciences Bureau pero ang ibang minahan ay tuloy ang ligaya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Humihiling ang alkalde ng Itogon, Benguet ng Presidential Proclamation para gawing public land na ang mining claims ng Benguet Corporation sa kanilang mga bundok.

"The last decision ng Supreme Court states that the mining operator owns what's beneath...Pag wala na silang operation, the land should go back to the state...If we will not do it masisira ang bundok, mawawala sa mapa ang Itogon," pangamba ni Mayor Victorio Palangdan.

Ibinunyag naman ng isang minero na si alyas "Lakay" na may kasunduan sa Benguet Corporation ang mga asosasyon ng lower Gumoc at Loacan para makapagmina sa site na ngayo'y pinangyarihan ng landslide.

Kinumpirma naman ito ng dating opisyal ng Lower Gumoc Mining Association at sinabing ilang taon na rin silang pinapayagan sa pagmimina.

"Iyung 40-60 [hatian] ginawa naming para magkasalubong kami sa P360,000 yearly para papasukin kami. Pag di kami nagbayad di kami pinapapasok," ani David Dulnuan, dating treasurer Lower Gumoc Mining Association.

May pruweba umanong mga resibo at logbook si Dulnuan pero natabunan na daw sa landslide.

Dagdag ni Dulnuan, nasa mahigit 2,000 ang miyembro na nagmimina umano sa mga tunnel ng Benguet Corporation.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang Benguet Corporation.

—Ulat nina Dhobie de Guzman at Angel Movido, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

Plane flips on landing at Toronto airport, injuring 8

Plane flips on landing at Toronto airport, injuring 8

Reuters

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

A plane crashed at Toronto Pearson International Airport on Monday (February 17) and injured eight people, officials said, with CBC television reporting the plane flipped on landing.

Video from CTV showed the plane belly up on a snow-covered tarmac, as fire engines spray it.

Of the eight injuries, one was critical and the rest were mild to moderate, Peel Regional Paramedic Services Supervisor Lawrence Saindon said.

Toronto's Pearson Airport said it was aware of an incident involving a Delta plane arriving from Minneapolis and that emergency teams were responding.

ADVERTISEMENT

All passengers and crew were accounted for, the airport said in a statement on X.

The Transportation Safety Board of Canada, the independent agency that investigates plane crashes, did not immediately respond to a request for comment.

(Production: Gerardo Gomez)

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.