Mga basura balik sa dolomite beach ilang araw matapos ang cleanup | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga basura balik sa dolomite beach ilang araw matapos ang cleanup

Mga basura balik sa dolomite beach ilang araw matapos ang cleanup

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

ABS-CBN News
Nagkalat ulit ang mga inanod na basura sa dolomite beach sa Maynila ngayong ika-20 ng Setyembre 2022, ilang araw matapos ang isinagawang paglilinis noong International Coastal Cleanup Day. Raya Capulong, ABS-CBN News

MAYNILA — Mga basura ang sumalubong sa mga namasyal sa dolomite beach sa Maynila ngayong Martes.

Palutang-lutang sa dalampasigan ang samu't saring basura tulad ng plastic, styro, kahoy, at marami pang iba.

Nakatambak din lang sa gilid ng artificial beach ang mga sakong may lamang mga kahoy at iba pang basurang nakuha rin mismo doon.

Mga basura balik sa dolomite beach

Nitong weekend lamang ay nagtulong-tulong ang mga volunteer at ilang government agencies para sa International Coastal Cleanup Day.

ADVERTISEMENT

Ilan sa mga namasyal ay nadismaya, bagaman may iba ring namangha pa rin sa dolomite beach.

Puspusan ang paglilinis ng mga tauhan ng MMDA sa lugar simula alas-6 ng umaga.

"Ang pinakamabigat dito, yung mga troso. Minsan, may mga puno, kawayan na malalaki. Katulad n'yan, ilang balik na kaming hakot n'yan," sabi ni Ricardo Mallari, isa sa mga naglilinis sa dolomite beach.

Nanawagan sa publiko ang mga taga-linis na itapon sa tamang lalagyan o lugar ang kanilang mga basura.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.