Mga ospital sa Cavite, full capacity pa rin | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga ospital sa Cavite, full capacity pa rin

Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Sep 15, 2021 03:08 PM PHT

CAVITE -- Patuloy na nahihirapan ang mga ospital sa Cavite para tugonan ang bugso ng mga dumarating na taong may COVID-19.

Sa Southern Tagalog Regional Hospital (STRH) sa Bacoor, hindi na halos makapagpahinga ang mga tauhan sa command center sa pagsagot sa mga tawag at mensahe kaugnay ng COVID-19.

Mapapansin na wala na masyadong pribadong sasakyan o ambulansya na nakapila sa labas ng ospital dahil pinauuwi na ang mga nasa waiting list habang naghihintay ng bakanteng kama.

"Sobrang hirap po kasi ngayon lalo na kapag may tumatawag po sa amin na for admission ang patient. As of now po kasi, ang update po namin kahapon, 37 na po 'yung naka-reserve po sa amin na for admission. Ang ginagawa na lang po namin, binibigyan na lang namin ng choices of hospital po," ani Carlos Evangelista ng STRH Command Center.

Ayon kay Eden Enriqueta Purugganan, ang public information office ng STRH, mula 157 ay umaabot na sa 270 ang mga medical grade oxygen na ginagamit sa pagamutan kada araw dahil marami ang nahihirapang huminga.

Umabot na rin sa 18 ang mga medical worker na nagkasakit, mula sa dating 10.

"Nararamdaman pa namin lalo (ang bigat ng trabaho) kasi may mga kasapahan pa tayo unfortunately na nahawaan din po ng COVID. Nagdoble siya," ani Purugannan.

Ang Binakayan Hospital and Medical Center, puno na rin ng mga pasyente pero sinisikap umano nilang tumanggap pa ng mga nangangailangan ng atensyong medikal.

Parehas din ang sitwasyon sa mga pagamutan sa Tagaytay City na pilit pinapahaba ang pisi para tumugon sa mga nagkakasakit.

"Nagugulat kami kasi parang katulad na rin kami sa NCR, dumadami na rin ang kaso ng COVID dito sa Tagaytay. Ang bilis tumataas at nakita namin ang pagtaas na ito ang pinaka dahilan ay ang hawaan sa kanilang mga household," ani Dr. Liza Capupus, city health office ng Tagaytay.

Isinara naman ng Ospital ng Imus ang outpatient department para tiyakin ang kaligtasan ng mga doktor at non-COVID patient ngayong umaapaw ang COVID cases sa pagamutan.

Ayon kay Dr. Jennifer Roamar, ang chief of clinics ng Ospital ng Imus, kinailangang ihinto ang ibang serbisyo ng pagamutan dahil sa kakulangan ng tauhan.

Nasa 24 aniya ang nagpositibo kamakailangan sa virus at may 10 iba pang naka-quarantine.