ALAMIN: Mga nakapagpapataas ng posibilidad ng breakthrough COVID-19 infection | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga nakapagpapataas ng posibilidad ng breakthrough COVID-19 infection

ALAMIN: Mga nakapagpapataas ng posibilidad ng breakthrough COVID-19 infection

Vivienne Gulla,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 14, 2021 07:34 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Wala pang isang porsyento sa mga nakakumpleto ng bakuna kontra COVID-19 ang nagkaroon ng "breakthrough infections" o nahawahan pa rin ng virus, base sa datos ng Department of Health at ng Food and Drug Administration.

Hanggang noong Aug. 29, 2021, nasa 0.0017 percent lang ng 13.8 million fully vaccinated individuals ang tinamaan pa rin ng COVID-19, ayon sa datos ng mga ahensiya.

Pero ano nga ba ang nakapagpapataas ng risk o panganib na mahawahan pa rin ng naturang virus kahit kumpleto na ang bakuna?

Ayon kay infectious disease specialist Dr. Rontgene Solante, isang factor ang edad. Ilan aniya sa mga nagkaroon ng breakthrough COVID-19 infections ay mga senior citizen.

ADVERTISEMENT

"Kung may edad ka na, your antibody will not be as good as that in the younger population. So mataas ang risk na makakuha ka ng infection," paliwanag ni Solante.

"When your age is 60 years old and above, your immune response is not enough to protect you, for COVID-19 to be severe and critical," paliwanag ni Solante.

Nakapagpapataas din aniya ng risk na mahawahan ng COVID-19 kahit bakunado ang pagiging immunocompromised o kaya ay pagkakaroon ng comorbidity ng isang indibidwal.

"Mataas ang breakthrough infection ng immunocompromised, ‘yung may mga cancer, may post-transplant recipient, those who are undergoing hemodialysis," sabi niya.

"Aside from obesity or hypertensive, diabetic, whether you are 60 years old and above or less than 60 years old... if you have these comorbidities, you're also at risk of getting a more severe, critical form of COVID," dagdag ni Solante.

Obserbasyon pa ng eksperto, maging ang mga mahihina ang pangangatawan at kulang sa nutrisyon ay kasama sa mga tinatamaan pa rin ng novel coronavirus kahit bakunado na.

Dahil umano ito sa "nababawasan" nilang kakayahan na magkaroon ng sapat na immune response dahil sa malnutrisyon, comorbidity, o dahil sa kanilang edad.

"'Yung tinatawag natin na very frail na individual, very weak. 'Yung hirap maglakad, walang gana kumain. These are the people that can be infected with COVID and can be severe," paliwanag niya.

Apektado rin ang efficacy ng vaccines sa gitna ng mga bagong COVID-19 variants.

Kaya payo ni Solante, kahit fully vaccinated na, ugaliin pa ring sumunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, physical distancing at palagiang paghuhugas ng kamay.

Makatutulong din umano kung babawasan ang interaction sa mga hindi pa bakunado. At kung may maintenance medicines, tiyaking naiinom ito nang regular.

"For the elderly, you need to still be protected by obeying the health protocol, and less interaction, especially with unvaccinated,” sabi ni Solante.

"For those with comorbidity, they have to maintain their medications, for example for diabetes, for hypertension… They have to maintain a good maintenance medication so that these comorbidities are stable. Unstable comorbidities will increase your risk of getting more severe and critical COVID," dagdag niya.

BOOSTER SHOTS

Makatutulong ba ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa kanila?

Ayon sa eskperto, mas mainam na magiging "variant-specific" o bagong mga bakuna ang ipapamigay na ikatlong dose ng COVID-19 vaccine.

"The problem with booster shots among this population, I don’t know if additional doses can still protect them. Because they already have problems with the immune response. Debatable 'yan kung talagang they can be protected,” sabi ni Solante.

Nauna nang sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na posible lang simulan ang pagbibigay ng booster shots sa bansa kapag nabakunahan na ang "sizeable amount" ng populasyon.

Base sa datos ng gobyerno nitong Lunes, lagpas 17 milyong indibidwal o 22.14 ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang fully vaccinated kontra COVID-19.

Lagpas 22 million naman ng populasyon ang nakatanggap ng unang dose. Nasa 70 percent ng populasyon ang target mabakunahan ng gobyerno ngayong taon.

Bahagyang bumilis ang pagbabakuna kontra COVID sa bansa nitong nakaraang linggo (Sept 6 to 12) na pumalo ng 415,362 doses kada araw, pero mas mababa pa rin ito sa target na kalahating milyong doses kada araw.

Huling nakapagtala ang bansa ng average na pagbabakuna ng higit 500,000 doses kada araw noong August 2 to 8.

Sa pagtataya ni ABS-CBN News Data Analytics head Edson Guido, aabutin ng hanggang June 2022 bago maabot ng Pilipinas ang target na makumpleto ang COVID vaccination ng 77 milyong Pilipino o 70 percent ng populasyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.