Teves, nanatili sa Southeast Asia, protektado ng warlords: DOJ | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Teves, nanatili sa Southeast Asia, protektado ng warlords: DOJ

Jeffrey Hernaez,
ABS-CBN News
Published Sep 13, 2023 05:35 PM PHT
|
Updated Sep 14, 2023 12:15 PM PHT

MAYNILA — Nasa isang bansa sa Timog Silangang Asya pa rin si dating Negros Oriental Third District Rep. Arnulfo Teves Jr., ayon sa Department of Justice.

Sabi ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, ito ang impormasyong nakarating sa kaniya sa patuloy na monitoring sa kinaroroonan ng kongresista na pangunahing suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Nakataggap rin ng impormasyon ang DOJ na pinoprotektahan ngayon si Teves ng ilang “warlord” sa bansang pinagtataguan nito.

"Nandoon pa rin siya, Southeast Asia pa rin, supposedly under the protection of a few local warlords, iyon ang balita sa amin pero titingnan natin, kasi ASEAN iyan e," sabi ni Remulla.

ADVERTISEMENT
"Under sa ASEAN, we can actually ask them more upfront about what’s happening in their country, specially if it is somebody who is a known terrorist being harbored by anybody,” dagdag niya.

Isinasapinal na rin ng DOJ ang liham na isusumite sa United Nations kaugnay sa kinahaharap na warrant of arrest ni Teves. Layon nitong makuha ang tulong ng mga miyembrong bansa ng UN na maaresto ang dating kongresista.

Naniniwala naman ang kalihim na hindi magiging balakid sa pag-aresto kay Teves ang natanggap na ulat na protektado ito ng warlords.

“Hindi namin nakikitang problema iyan. Ito naman ay puwede nating i-bilateral. Sa bilateral relations ng mga bansang iyan ay madaling magkasundo. Hindi nila papayagan na maging sagabal ito sa paghuli sa mga taong wanted for terrorism,” pagtitiyak ni Remulla.

Pero hirit naman ng abogado ni Teves na si Ferdinand Topacio, dapat pangalanan ni Remulla ang mga umano'y warlord na nagkukubli sa kaniyang kliyente.

"And please do not hide behind your stock answer of purportedly not dignifying questions from us, which we all know is the way of the weakling. These are legitimate questions," ani Topacio.

"There should be limits, even for you. There must be some sense of decency at long last," dagdag niya.

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT