PatrolPH

Artist sketch ng gunman sa pagpatay ng abogado sa Cebu inilabas ng NBI

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2021 09:40 PM

Larawan mula sa NBI-Region 7
Larawan mula sa NBI-Region 7

Inilabas ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes ang artist sketch ng gunman na pumatay abogadong si Rex Fernandez sa Cebu City nitong Agosto.

Ayon sa NBI-Region 7, nasa 30-anyos ang edad ng gunman, kayumanggi ang balat, at may taas na 5'4 hanggang 5'6 feet.

Nanawagan ang ahensiya sa publiko na ipaalam sa kanila kung may impormasyon sa kinaroroonan ng salarin.

Si Fernandez ay pinatay sa Banawa, Guadalupe sa Cebu City noong August 26, 2021 ng gunman na naka-facemask.

Ayon sa mga malapit kay Fernandez, humawak ng mga kontrobersiyal na kaso ang biktima, lalo na ang may kinalaman sa human rights.

— Ulat ni John DX Lapid

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.