2 patay na baboy natagpuan sa QC | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
2 patay na baboy natagpuan sa QC
2 patay na baboy natagpuan sa QC
Zhander Cayabyab,
ABS-CBN News
Published Sep 13, 2019 02:59 PM PHT
MAYNILA – Kinumpirma ng Quezon City Veterinary Office na may dalawang baboy pa ang namatay sa kanilang pagiikot sa Barangay Bagong Silangan, Biyernes ng umaga.

Ayon kay Dr. Henry Barbero, ang nagmamay-ari ng babuyan ay namatayan na rin ng 16 na baboy na nauna nang inilibing ng lokal na pamahalaan.

Huwebes nang sunugin ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang ilang patay na baboy na inanod sa creek sa Barangay Bagong Silangan.

Hinihintay pa nila ang resulta ng pagsusuri kung African Swine Fever ang sanhi ng pagkamatay ng mga ito.

ADVERTISEMENT
Miyerkoles ng hapon nang matagpuang patay at nabubulok ang ilang baboy sa isang creek sa Barangay Bagong Silangan sa Quezon City.

Nitong Lunes naman nang kumpirmahin ng Department of Agriculture na African swine fever ang sanhi ng biglaang pagkamatay ng ilang baboy sa bansa.