Pagtukoy sa ikinamatay ng ilang baboy sa Quezon City, pahirapan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Pagtukoy sa ikinamatay ng ilang baboy sa Quezon City, pahirapan

Pagtukoy sa ikinamatay ng ilang baboy sa Quezon City, pahirapan

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 12, 2019 11:43 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Ipapasuri ang mga sample mula sa ilang baboy na natagpuang patay sa creek sa Quezon City, ayon veterinarian ng lungsod, Huwebes.

Pahirapan aniya ang pagtukoy kung may swine fever nga ba ang mga baboy lalo't malala na umano ang pagkakabulok ng mga bangkay nito, ani QC Veterinarian Ana Maria Cabel.

Planong suriin ng Bureau of Animal Industry ang mga laman-loob ng mga baboy, partikular na ang bone marrow nito, dagdag pa niya.

"Nasa advanced stage of decomposition na kasi siya so hindi namin ma-recognize kung ano ang sintomas kung ito nga ba ay may African swine fever," ani Cabel sa panayam sa DZMM.

ADVERTISEMENT

Ani Cabel, mas mainam nang ipasuri ang bone marrow ng mga baboy lalo't nabubulok na ang mga laman-loob nito.

Hindi pa matukoy kung sino ang nasa likod ng pagtatapon ng mga patay na baboy sa tubigan, ani Cabel.

Miyerkoles ng hapon nang matagpuang patay at nabubulok ang ilang baboy sa isang creek sa Barangay Bagong Silangan sa Quezon City.

Nitong Lunes, kinumpirma ng Department of Agriculture na African swine fever ang sanhi ng biglang pagkamatay ng ilang baboy sa bansa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.