Pabahay para sa mga nasalanta ng Bagyong Agaton, itinatayo na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pabahay para sa mga nasalanta ng Bagyong Agaton, itinatayo na

Pabahay para sa mga nasalanta ng Bagyong Agaton, itinatayo na

ABS-CBN News

Clipboard

Courtesy: Baybay City LGU
Courtesy: Baybay City LGU

MANILA — Sinimulan na ngayong linggo ang pagpapatayo ng mga permanenteng pabahay para sa mga residenteng nakaligtas sa hagupit ng Bagyong Agaton nitong Abril sa Baybay City, Leyte.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng lungsod, patatayuan ng bahay ang nasa 253 pamilyang nawalan ng tahanan matapos tamaan ng landslide ang Barangay Mailhi na isa na ngayong danger zone.

Itinatayo ngayon ang mga nasabing bahay sa Barangay Higulo-an na una nang idineklara ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na ligtas patayuan ng bahay.

Pero nilinaw naman ng lokal na pamahalaan na 40 bahay muna sa ngayon ang itinatayo bilang paunang batch.

ADVERTISEMENT

Umabot ng 178 katao ang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Agaton ngayong taon, habang nasa 111 naman ang nawawala.

— Ulat ni Sharon Evite

BALIKAN:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.