Boracay, bukas na muli sa mga turista matapos ang MECQ

Rolen Escaniel ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2021 05:25 PM

Tourists and locals enjoy the beaches of Boracay. Photo by Stanley Palisada, ABS-CBN News

AKLAN - Binuksan na muli ang isla ng Boracay para sa mga turista matapos na isailalim ang probinsya ng Aklan sa general community quarantine o GCQ ngayong Miyerkules, Setyembre 8. 

Matatandaang isinailalim ang Aklan sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Agosto 1 hanggang Setyembre 7 kasunod ng pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa Aklan. 

Boracay, bukas na muli sa mga turista matapos ang MECQ

Paalala ng lokal na pamahalaan ng Aklan, mahigpit na ipatutupad ang mga alituntunin sa isla sa ilalim ng GCQ.

Kailangan pa rin ang negatibong RT-PCR test result para sa mga turistang nais magbakasyon sa Boracay.