Aklan pinahahanda ang COVID burial grounds; crematorium tigil-operasyon sa dami ng bangkay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Aklan pinahahanda ang COVID burial grounds; crematorium tigil-operasyon sa dami ng bangkay

ABS-CBN News
Published Aug 03, 2021 02:20 PM PHT
|
Updated Aug 03, 2021 07:25 PM PHT

Pinaghahanda na ngayon ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang 17 municipal mayors sa probinsiya ng kanilang burial grounds para sa mga pumanaw dahil sa COVID-19.

Ito ay matapos pansamantalang ihinto ng kanilang partner crematorium ang kanilang operasyon dahil sa dami ng mga bangkay na kailangan serbisyuhan.

"Our partner crematorium facility, The Gegato-Abecia Funeral Parlor [and] Crematorium will temporarily stop its crematorium services starting August 2, 2021 due to the huge volume of cadaver they receive daily," ani Miraflores sa isang pahayag.

"Please be advised to prepare burial grounds for COVID victims in your respective municipalities observing proper protocols," dagdag ng gobernador.

ADVERTISEMENT
Hanggang Agosto 2, umabot na sa 95 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa COVID-19 sa Aklan.

Ang Gegato-Abecia Funeral Parlor and Crematorium naman ang nag-iisang crematorium sa Panay Island kaya nahihirapan itong mag-accommodate sa lahat ng bangkay na nanggagaling sa iba't ibang probinsiya.

Patuloy na nakararanas ng pagdami ng COVID-19 cases ang maraming bahagi ng bansa.

Noong Lunes, umabot sa 1.6 milyon ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan 62,615 ang active cases o may sakit pa rin.

— Ulat ni Rolen Escaniel
RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Aklan
burial grounds
crematorium
Covid-19
coronavirus Philippines update
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT