COVID-19 cases tumaas sa maraming siyudad, probinsiya: DOH | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

COVID-19 cases tumaas sa maraming siyudad, probinsiya: DOH

COVID-19 cases tumaas sa maraming siyudad, probinsiya: DOH

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 02, 2021 06:53 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kalahati ng mga siyudad at probinsiya sa buong Pilipinas ang nakitaan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, sabi ngayong Lunes ng Department of Health (DOH).

"Kalahati na ng probinsiya natin, highly urbanized cities and independent component cities ay nagpapakita ng pagtaas ng kaso," sabi ni Health Secretary Maria Rosario Vergeire.

"Ano po ang drivers ng pagtaas ng kaso? Unang-una, alam natin there is [variants of concern] and that is the Delta variant. We know itong Delta variant mas transmissible siya," paliwanag ni Vergeire.

Hindi na tinukoy pa ng opisyal ang mga lugar kung saan tumaas ang mga kaso pero bago ito, isinailalim na ng gobyerno sa enhanced community quarantine (ECQ) — ang pinakamahigpit na community quarantine — ang ilang lugar sa bansa. Sa Agosto 6 naman magsisimula ang ECQ sa Metro Manila.

ADVERTISEMENT

Bukod sa mas nakakahawa, mas mataas din daw ang viral load ng isang taong tinamaan ng Delta variant kaya ang dating 15 minutong exposure para maituring na close contact, nagbago na.

"Sabi nga ng eksperto, in just a matter of seconds puwede ka nang ma-infect dahil sa dami ng viral load," ani Vergeire.

Samantala, pinanindigan naman ng OCTA Research Group na ang nararanasang pagtaas ng kaso ng COVID-19, lalo sa Metro Manila, ay matatwag na surge.

Ayon din sa grupo, ang mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela ang sentro ng nasabing surge.

Para sa miyembro ng DOH technical advisory group, wala pa sa kritikal na antas ang health care utilization ng bansa, na isa sa tinitingnan para masabing may surge.

ADVERTISEMENT

Aminado naman ang DOH na kahit hindi pa nila masabi na may community transmission na ng Delta variant sa bansa, ito na ang kanilang "assumption."

Sang-ayon din ang ahensiya sa pag-aaral ng US Center for Disease Control na nagsasabing ang Delta variant ay singnakakahawa ng chicken pox o bulutong.

"Pinakita dito na ang chicken pox can also infect up to 8 persons in just one sitting," ani Vergeire.

"We do agree to that. Nasa ebidensiya naman talaga na ang Delta variant is highly transmissible compared to the UK variant na nakakapag-infect lang ng 4 hanggang 5 persons," ani Vergeire.

Ang muling pagsasailalim sa Metro Manila sa ECQ ang isa sa mga paraan para mapigilan ang paglaganap ng sakit at variant.

ADVERTISEMENT

Base sa projection ng mga katuwang ng DOH, malaki ang maitutulong ng ECQ para mapigilan ang pagsirit ng bilang ng mga magkakasakit.

"Sabi sa projections, 'pag nagkaroon ng 4 weeks na deretsong heightened restrictions lang tayo ng [general community quarantine], we will have an average of 15k new cases per day in [National Capital Region] alone," ani Vergeire.

"Pero 'pag ginawa 'yong 1 week of GCQ with heightened restrictions plus 3 weeks ECQ, we can be able to control 'yong pagtaas ng kaso to just 758 per day in NCR," dagdag niya.

Pero nilinaw ng DOH na ang mga ito ay projection pa lang at maaari pang magbago.

Ngayong Lunes, nakapagtala ang Pilipinas ng 8,167 bagong kaso ng COVID-19, ang ika-4 na deretsong araw na nakapagtala ng higit 8,000 bagong kaso.

ADVERTISEMENT

Sumampa naman sa 1,605,762 ang kabuuang bilang ng mga nagka-COVID-19 sa bansa, kung saan 62,615 ang active cases o may sakit pa rin.

— Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.