Zamboanga del Sur Medical Center, triple na ng kapasidad ang pasyente dahil sa COVID | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Zamboanga del Sur Medical Center, triple na ng kapasidad ang pasyente dahil sa COVID

Zamboanga del Sur Medical Center, triple na ng kapasidad ang pasyente dahil sa COVID

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 07, 2021 01:25 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA – Lagpas na sa kapasidad nito ang bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 sa Zamboanga del Sur Medical Center, ayon isang opisyal nito.

“Yung hospital namin, Zamboanga del Sur Medical Center, punong-puno na talaga kasi yung dedicated COVID beds. Before was 50, tapos nag-surge kami starting August 1 until today nag-100 bed capacity kami. Pero yung patients namin as of yesterday, 152 COVID confirmed patients,” ayon kay Dr. Anatalio Cagampang Jr.

Dagdag pa ni Cagampang, may mga pasyente na sila sa mga tent sa labas ng emergency room ng kanilang ospital.

"Marami kasing mga patient na darating diyan especially at midnight, at nahirapan na mga moderate at severe na yung mga pasyente. So hindi naman makaya, masikmura na makita naming sila aalis na hindi naming ma-assist kaya ginawa namin, naglagay na lang kami ng ER tent, ng mga 20 tents doon sa ER as an extension,” paliwanag niya.

ADVERTISEMENT

Ani Cagampang, lalong problemado sila ngayon dahil 63 sa kanilang health workers ay tinamaan na rin ng COVID.

Nananawagan si Cagampang ng dagdag na supply ng oxygen at gamot para sa kanilang ospital.

“Yung tocilizumab, yun ang problema namin dito sa Zamboanga del Sur. Kahit yung mga neighboring provinces naming naubusan din ng supply niyan. But yung Remdesivir meron naman kami pero paubos na rin pero nakabili kami ng additional.”

“At yung mga ibang gamot meron naman kaming supply except lang yung tocilizumab tsaka yung oxygen,” paliwanag niya.

Hiling din ni Cagampang ang mas mahigpit na quarantine classification sa kanilang probinsya.

Aniya, nanawagan sila nung nakaraang linggo na ilagay ang probinsya sa modified enhanced community quarantine (MECQ), pero isasailalim ito sa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions simula Miyerkules, Setyembre 8, ayon sa opisyal na pahayag ng Malacañang.

“Kung pwede sana i-increase yung quarantine classification namin kasi yung GCQ with heightened restrictions parang hindi masyado, marami pa ring mga taong maglalabas diyan,” aniya.

Aminado si Cagampang na pinangangambahan niya ang pagbagsak ng healthcare system sa kanilang lalawigan.

“Problema namin baka magcollapse yung mga hospitals namin dito. Hindi lang yung government hospital, pati mga private hospital namin punong-puno na rin.”

“In fact, yesterday, may tumawag sa akin manghiram ng mga oxygen, manghiram ng gamot, yung mga private hospital so, wala naman akong magawa kasi kami rin kapos din kami sa supply, specially yung oxygen,” aniya.

---DZMM, 7 September 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.