DHSUD, Metro Manila mayors nagdayologo hinggil sa housing program | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DHSUD, Metro Manila mayors nagdayologo hinggil sa housing program

Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Sep 04, 2022 12:08 PM PHT

MAYNILA - Nakipagpulong na ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa mga alkalde ng Metro Manila para pag-usapan ang tugon sa housing backlog na nasa higit 6.5 million,

Ang nasabing usapin ay isa sa mga priority program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, mayorya ng 3.7 million na informal settler families (ISF) sa bansa ay nasa Metro Manila.

Nasa 500,000 umano sa mga ISF ang hindi maganda ang kondisyon habang nasa slum area, may riles ng tren, tabi ng ilog, estero, at iba pang high risk na lugar.

Ayon kay Acuzar, positibo ang tugon at buo ang suporta ng mga alkalde sa mga pinaplanong hakbang ng ahensya para sa pangmatagalang tagumpay ng housing program, na maari din aniyang makatulong sa paglago ng ekonomiya.

Gusto rin ng ahensya na magkaroon ng partisipasyon ang private developers at financial institutions para sa mas agresibo at mabilis na housing production.

Magpapatuloy ang dayalogo ng DHSUD sa mga opisyal ng Metro Manila sa mga susunod na araw para plantsahin ang housing program.

Mahalaga, ani Acuzar, ang pakikipagtulungan ng mga LGU para matugunan o tuluyan nang tuldukan ang mga problema sa housing sector.

KAUGNAY NA BALITA
Read More:
housing
housing backlog
pabahay
housing program
Department of Human Settlements and Urban Development
DHSUD
Jose Rizalino Acuzar
Metro Manila
NCR
Metro Manila mayors
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT