MAYNILA—May oil-price hike na dapat asahan ang mga motorista sa Martes, ayon sa mga taga-industriya.
Ito na ang ika-2 sunod na price hike sa petrolyo.
Presyo ng petrolyo:
- Gasolina — P0.50 - P0.60 /litro
- Diesel — P0.90 - P1/litro
- Kerosene — P0.80 - P0.90/litro
Ang gasolina may P0.50 hanggang P0.60 kada litrong inaasahang taas-presyo.
May P0.90 hanggang P1 namang inaasahang dagdag-presyo sa diesel, habang may P0.80 hanggang P0.90 na inaasahang taas-presyo sa kerosene.
Paliwanag ng mga taga-industriya, epekto ito ng hurricane na tumama sa ilang lugar sa Estados Unidos kung saan humina ang suplay ng langis dahil nasapul ng matinding pagbaha at hangin ang ilang oil refinery. —Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, TV Patrol, oil price hike, price hike, busina, Price Patrol