PatrolPH

Oil-price hike asahan sa katapusan ng Agosto

ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2021 06:54 PM

Watch more on iWantTFC

Matapos ang 3 sunod-sunod na rollback ay may inaasahang oil-price hike sa susunod na linggo. 

  • Gasolina — P0.15 - P0.25 /litro
  • Diesel — P0.60 - P0.70/litro
  • Kerosene — P0.60 - P0.70/litro

Ang gasolina may P0.15 hanggang P0.25 kada litrong inaasahang taas-presyo. 

May dagdag-presyong P0.60 hanggang P0.70 naman ang dapat asahan sa diesel at kerosene.

Paliwanag ng mga taga-industriya, bumubuti na ang COVID-19 situation sa China at lumalakas ang konsumo ng petrolyo sa Estados Unidos. 

Nagkaroon din ng sunog sa isang oil rig sa Mexico, kaya nabawasan ang produksyon at napatigil ang oil production sa US dahil sa bagyo. — Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

KAUGNAY NA BALITA: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.