2 patay sa saksak sa Batangas dahil umano sa matinding selos | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 patay sa saksak sa Batangas dahil umano sa matinding selos

ABS-CBN News
Published Sep 03, 2022 04:49 PM PHT

Dahil umano sa matinding selos, napatay sa saksak ng isang lalaki ang kanyang live-in partner at ang lalaking pinagbibintangan nitong karelasyon ng ginang sa Barangay San Piro, Balayan, Batangas nitong Biyernes.

Batay sa report ng Balayan police, nag-away ang magka-live-in sa kanilang bahay hanggang sa mauwi sa pananaksak ng lalaki gamit ang kutsilyo.

Nagtamo ng tatlong sugat sa katawan ang 36–anyos na live-in partner ng suspek na isang mangingisda.

Sunod na pinuntahan ng suspek ang bahay na pinagtatrabahuhan ng biktimang caretaker na noon ay naglilinis sa garahe at saka umano inundayan ng sunod-sunod na saksak.

ADVERTISEMENT
Nagtamo ng malubhang sugat sa leeg at dibdib ang 35-anyos na biktima.

Isinugod sa ospital ang dalawang biktima pero parehong binawian na ng buhay.

Naaresto ng mga pulis ang suspek na nahaharap sa kasong double murder. —ulat ni Ronilo Dagos

IBA PANG ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT