PNP nagbabala sa paggamit ng dating apps | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PNP nagbabala sa paggamit ng dating apps

PNP nagbabala sa paggamit ng dating apps

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dahil sa kabi-kabilang lockdowns at limitasyon sa galaw ng mga tao, tila mas marami ang naeengganyong gumamit ngayon ng online dating application para makipagkilala o maghanap ng aliw o entertainment.

Pero nagbabala si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar sa publiko na maging maingat sa paggamit ng mga ito dahil maaaring nagagamit ang mga app para sa krimen.

"Huwag mag-engage sa mga ganyan... kung mayroon kayong ka-chat o kausap doon na mako-compromise o magkakaroon kayo ng intimacy to the point na [iyong] private parts ay ipakita ninyo," ani Eleazar.

"Tandaan ninyo na 'yan ay nagiging daan para kuhanan nila basehan na eventually iba-blackmail na kayo at ang punta noon extortion na," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Nagbigay babala si Eleazar makaraang i-raid noong Martes ng Optical Media Board (OMB) ang isang opisina sa Quezon City na napag-alamang sangkot sa cybersex operation.

Modus umano ng negosyong gumamit ng messaging at dating apps para mag-alok ng mga malalaswang retrato o massage services at iba pang serbisyo.

Nasa US$20 hanggang US$50 o katumbas ng P1,000 hanggang P2,500 ang alok nila para sa massage with extra service.

Kapag nakumbinsi ang kostumer, gagamitin na ang kanilang credit card details para mangikil at pagnakawan sila.

Inaresto na ng OMB ang 16 na manggagawa na naaktuhang nago-operate ng negosyo.

Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang hindi bababa sa 20 computer na ginagamit sa operasyon.

Susuriin umano ang mga ito para makakuha ng iba pang impormasyon sa posibleng iba pang branch ng umano'y ilegal na negosyo.

Iginiit naman ng abogado ng naturang negosyo na legal ang kanilang operasyon.

Inaaral na ang pagsampa ng kasong paglabag sa Optical Media Act of 2003 sa mga nahuli. Nakikipag-ugnayan na rin ang OMB sa PNP para sa posibleng paglabag sa Anti-Cybercrime Law.

— Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.