'Cybersex den' sinalakay sa Quezon City; 16 arestado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Cybersex den' sinalakay sa Quezon City; 16 arestado

Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Sep 01, 2021 01:57 AM PHT
|
Updated Sep 01, 2021 02:46 AM PHT

MAYNILA - Nahuli ng mga tauhan ng Optical Media Board (OMB) ang nasa 16 na suspek sa isa umanong cybersex den sa Quezon City Martes.

Ayon kay Atty. Cyrus Valenzuela, Optical Media Board chief legal officer, unang tip sa kanila ay isang ilegal na business process outsourcing (BPO) na sangkot sa piracy ang nago-operate sa ikalawang palapag ng isang gusali sa may Tandang Sora Avenue, Quezon City.

Pero nang salakayin ng OMB ang naturang opisina, tumambad sa kanila ang isang cybersex den.

“We conducted an inspection tonight kasi gabi sila nagbubukas and we found out, we were expecting na BPOs since OMB kami we wanted to find out kung mayroon silang mga valid licenses ng softwares nila, pero ang inabutan namin they were conducting cybersex operations,” sabi ni Valenzuela.

Natuklasan nilang gumagamit ang negosyong ito ng messaging apps at online dating apps para mag-alok ng mga malalaswang retrato o 'di kaya massage services at iba pang serbisyo.

Kapag nakumbinsi na ang customer, hihingin na nila ito ang ATM at credit card details, at saka sila pagnanakawan.

"Once nagbook ang client nakukuha nila lahat ng credit card information tapos kapag may nagreklamo bakit ako nakaltasan, wala pa naman ako naa-avail, may naka-ready sila na sagot, mga set answers na 'Sir baka may problema sa bank ninyo, baka you need to re-enter iyong details ninyo'," paliwanag ni Valenzuela.

"Basically nakita namin na nakuhanan na nila, mayroon pa silang certain words na ginagamit para utuin pa para gamitin ang credit card uli," dagdag pa ni Valenzuela.

Sa tantsa ng OMB, nasa isang taon o higit pa na nago-operate ang naturang negosyo, at posibleng may iba pang branches ito.

Nakita rin ng OMB sa kanilang computer ang listahan ng mga customers na nakontak na ng grupo at karamihan aniya dito ay foreigners.

Wala naman naipakitang business permit ang naturang negosyo at natuklasang rin ng OMB na iba ang pangalan na ipinarehistro sa Department of Trade and Industry.

Tumangging magbigay ng komento ang tinukoy na manager ng cybersex den habang ang ilang nahuling empleyado ay sinabing wala na silang makuhang ibang trabaho kaya na pinasok na lang ito.

Plano naman ng OMB na sampahan ang mga naaresto ng paglabag sa Republic Act No. 9239 o ang Optical Media Act of 2003.

Makikipag-ugnayan rin ang OMB sa Philippine National Police Cybercrime division para matulungan din sa pagiimbestiga at pagsasampa ng kaso na paglabag sa Cybercrime Law.

Pansamantalang inaresto muna ng OMB ang mga naaktuhan sa opisinang ito at idinidetine muna sa kanilang opisina bago i-turn over sa mga pulis bukas.

Kinumpiska rin ng OMB ang hindi bababa sa 21 computers na ginagamt sa kanilang operasyon.