Mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas higit 2 milyon na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas higit 2 milyon na

ABS-CBN News
Published Sep 01, 2021 07:47 PM PHT

Lampas na sa 2 milyon ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa datos na inilabas ngayong Miyerkoles ng Department of Health (DOH).

Sa ulat ng DOH, nakapagtala ang bansa ng 14,216 dagdag na kaso ng COVID-19 para sa kabuuang 2,003,955, kung saan 140,949 ang active cases o may sakit pa rin.

Abril nitong taon nang pumalo sa 1 milyon ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa o higit 1 taon mula nang mag-umpisa ang pandemya. Ibig sabihin din nito'y nakapagtala ang bansa ng karagdagang 1 milyon sa loob lang ng higit 4 na buwan.

Isa sa nakikitang dahilan ng mabilis na pagkalat ng sakit ay ang mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19, na itinuturing na pinakadominanteng variant sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT
Nakapagtala rin ang DOH ngayong Miyerkoles ng 86 na dagdag na namatay sa sakit para sa kabuuang 33,533 fatalities.

Umabot naman sa 1,829,473 ang gumaling sa sakit matapos maiulat ang 18,754 bagong recoveries.

Buwan ng Agosto pinakamalala
Samantala, lumalabas naman na ang Agosto 2021 ang maituturing na pinakamalala sa higit 1 taong pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa loob kasi ng buwan na ito, naitala ang 406,811 bagong kaso, higit na mas mataas sa 289,939 na naitala noong Abril bunsod umano ng Alpha at Beta variant.

Para kay ABS-CBN data analytics head Edson Guido, bagama't magkapareho ang nangyari noong Agosto 2020 at 2021, hindi mahirap makita na mas malala ang sitwasyon ngayon kumpara noong nakaraang taon.

"Ang difference ngayon, hindi tayo nakakita ng decline sa numbers," ani Guido.

"Noong August 2020, more than half of the cases galing sa NCR (National Capital Region) lang kaya in a way, mas madali siyang i-contain... This is different from August 2021 kung saan below 30 percent lang ng mga kaso ang galing sa NCR," aniya.

Sa kabila nito, tingin ng OCTA Research Group ay posibleng bumaba ang trend ng kaso sa Metro Manila sa kalagitnaan ng Setyembre dahil sa pagbaba ng reproduction number.

Mu variant
Samantala, inihayag naman ng World Health Organization na may panibagong variant of interest itong binabantayan - ang "Mu" variant.

Sinasabing may mutation ang variant na nagpapakitang maaaring may immune escape properties ito o kakayahang iwasan ang mga panlaban ng katawan sa virus.

Ayon din sa ulat ng WHO, mula nang unang makita ang Mu variant sa Colombia noong Enero, may mga naiulat nang mas malalaking outbreak nito sa ibang bansa sa South America at Europe.

— Ulat nina Raphael Bosano at Job Manahan, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Department of Health
Covid-19
coronavirus Philippines update
OCTA Research Group
Mu variant
World Health Organization
TV Patrol
Raphael Bosano
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT