2 sugatan matapos mahulugan ng bato sa kalsada sa Southern Leyte | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 sugatan matapos mahulugan ng bato sa kalsada sa Southern Leyte

2 sugatan matapos mahulugan ng bato sa kalsada sa Southern Leyte

ABS-CBN News

Clipboard

Sugatan ang isang babaeng motorista at backrider niya matapos sila mahulugan ng malaking bato habang bumabaybay sa isang national highway sa bayan ng Tomas Uppos, Southern Leyte nitong Martes.

Habang dumadaan ang mga biktima sa Brgy. San Miguel, nahulog ang isang malaking batong naging dahilan sa pagkatumba ng minanehong motorsiklo.

Agad na isinugod ng mga rescuer sa hospital ang motorista at backrider, na ngayo'y patuloy na nagpapagaling sa ospital.

Napag-alaman ng MDRRMO Tomas Uppos na nagpapatuloy ang isinasagawang pagtibag sa bundok sa lugar na bahagi ng proyektong pagpapalapad ng kalsada .

ADVERTISEMENT

Pinaalalahanan ang mga motorista na mag-ingat sa pagdaan sa lugar.—Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.